Pamilya ng nabaril ni John Wayne Sace sumisigaw ng hustisya

Pamilya ng nabaril ni John Wayne Sace sumisigaw ng hustisya

Therese Arceo - October 31, 2024 - 01:27 AM

Pamilya ng nabaril ni John Wayne Sace sumisigaw ng hustisya

NANAWAGAN ngayon ng hustisya ang pamilya ng umano’y nabaril ng aktor na si John Wayne Sace na nakilala bilang si “Lynell Eugenio”.

Sa naging panayam ng PEP.ph sa pamilya sa isa sa malapit na kaanak ng biktima, magkababata raw ang aktor at ang umano’y nabaril nito kaya naman nagulat sila nang gawin ng aktor ang pamamaril sa kanilang mahal sa buhay.

Ayon sa kaanak ng biktima, marami raw ang nakasaksi sa ginawa ni John Wayne sa kanilang kamag-anak.

Laking pagtataka rin nila kung ano ba ang naging motibo ng aktor dahil para na ring pamilya ang turing nila rito lalo na ang ama ng biktima.

Baka Bet Mo: John Wayne Sace arestado matapos umanong mapatay ang kaibigan

Salaysay pa ng kaanak ng biktima, bumili pa raw sila ng sigarilto sa tindahan at matapos nito ay nangyari na ang krimen.

May mga nakasaksi pa raw na tila may ibang sinasabi si John Wayne bago ang insidente ng pamamaril.

Nabiro pa nga raw ito kung pwede siyang utangan at nag sagot raw nito ay “Walang problema basta buhay ang kapalit.”

Nakapag-post pa nga raw si John Wayne tungkol sa kaaway nitong “nagtutulak ng droga” at pinagbabantaan raw ang kanyang pamilya.

Samantala, hindi pa naman tiyak kung may kaugnayan ang naturang post sa nangyaring pamamaril.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang nitong Lunes, October 28, inaresto si John Wayne ng Pasig City Police bilang pangunahing suspek sa umano’y pamamaril sa kaibigan.

Apat na tama ng bala mula sa kalibre 45 baril ang kumitil umano sa buhay ng biktima.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending