Jake 'ikinulong' sa city jail: Kailangang patigasin ko uli...

Jake ‘ikinulong’ sa Mandaluyong City Jail: Kailangang patigasin ko uli…

Ervin Santiago - October 31, 2024 - 12:35 AM

Jake 'ikinulong' sa Mandaluyong City Jail: Kailangang patigasin ko uli...

Jake Cuenca kasama ang mga inmates sa Mandaluyong City Jail

NARANASAN ni Jake Cuenca ang makulong sa Mandaluyong City Jail sa loob ng ilang linggo kasama ang mga tunay na preso.

Pero guys, walang nagawang krimen ang Kapamilya actor, kusa siyang nagpakulong bilang paghahanda sa pelikula niyang “What Lies Beneath” na mapapanood sa Amazon Prime.

Kuwento ni Jake nang makachikahan namin siya kamakailan, two months siyang nag-immerse sa Mandaluyong City Jail for the said movie.

“First time kong magpe-play ng convict, yung parang inmate. Ang galing! Kasi  parang these past two months habang nag-i-immerse ako du’n, parang sabi ko, ‘When do you really find yourself in a situation like this?’

Baka Bet Mo: Mandaluyong City tututukan na ang single parents, magtatayo ng bagong tanggapan

“You know what I mean? And then for me, siyempre parang those days are kinda ano for me, e.

“Kasi kung naalala n’yo yung isyu ko, du’n nangyari lahat yun, e. So, parang while I was immersing with this, it’s also like going through your trauma, or facing your fears.

“So, sabi ko, preparation pa lang nito, talagang ano na. Parang, I did so much already. So can’t wait to get to the set. Can’t wait to portray this, and perform it in front of everyone.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Tapos sabi ko nga sa Team Jake, sabi ko, ‘I put myself through these parang experiences. Kasi parang ngayon in life, parang my head is on my shoulder.’

“Kaya ko nang ilagay ang sarili ko sa mga ganitong experience na hindi ako natatakot if I lose my mind,” tuluy-tuloy na chika ng premyadong aktor na ang tinutukoy na isyu ay pagkakasangkot niya sa police car chase noong 2021.

Patuloy na kuwento ni Jake about the immersion sa kulungan, “What I wanted sana, what I really wanted was to stay there. Parang mag-stay sana ako du’n ng one week.

“For one week. Pero siyempre nu’ng nag-uusap kami ng warden, nag-uusap kami nu’ng mga pulis, hindi nila puwedeng ibigay sa akin yon.

“Kasi responsable sila sa buhay ko, e. So I asked them, ‘Paano ako makakapagkumporme sa sistema n’yo?’ Di ba?

“So, ang nangyari, ibinigay sa akin yung window ng 5 a.m. to 8 a.m.. So 4:30 ng umaga, motor na ako papunta du’n. Ire-rehearse ko yung script from 5 to 8. So yun, parang yun ang naging buhay ko for the past two months actually,” sey ni Jake.

Sa 9th floor daw siya “ikinulong”, ang tinatawag na maximum penitentiary, “Du’n lahat ng mga mabibigat yung kaso. Sinasabi ko sa guard, ‘Treat me like the inmates.’

“Kung paano ako kausapin, paano ako tratuhin, ‘Kumain ka!’ Ginaganyan ako, ‘Bilisan mo na diyan!’ Ginaganu’n ako. And I like that. Kasi nga, para sabi ko, coming from (What’s Wrong With) Secretary Kim (serye nila nina Kim Chiu at Paulo Avelino), parang ang lambot ng karakter natin du’n, e.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)


“I really have to come up with something very soft. Kasi contrary sa ginagawa natin na parang ginagawa nating Filipino yung parang mga remake na ito, di ba?

“Ako naman, parang sabi ko, gusto kong sundan yung ginagawa ng mga Koreans. May mga leading men dun, e. Di ba, they’re softer? Ganu’n.

“So sabi ko, coming up with that project, ‘Parang ang lambot ko, ah?! Kailangang patigasin ko sarili ko uli.’ I had to parang be rough around the edges again. So, yun ang naisip ko,” aniya pa.

“So at the end of the parang Incarceration Day, nag-speech ako. Actually I’m gonna post it maybe later today pero nag-speech ako.

“Sinabi ko, parang konektado na sila sa akin these past two months, e. So, sabi ko, I’m really gonna dedicate this performance, this portrayal to all the guards, all the inmates of Mandaluyong City Jail.

“But more importantly for all the inmates na nakulong for something they didn’t do. Mga inosente. Kasi that’s what this role is about, e,” sey pa ni Jake.

Sa tanong kung nag-alangan siyang gumanap na convict, “No, I was actually so excited. Yung parang hindi pa natatapos ang pitch, umoo na ako agad.

“Sabi ko nga, scheduling pa ang magiging problema. Kasi ang daming ginagawa. Pero sabi ko, gagawan natin ng paraan ito.

“Kasi this is something na… ako kasi, nae-excite ako when it’s a role na parang I have a hard time seeing myself in.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yung kailangang baguhin ko ang sarili ko para mabagayan yung project. So, nung in-explain sa akin ito, sabi ko, na-excite ako,” saad pa ng award-winning actor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending