Coco kinalampag para tuparin ang b-day wish ni Gina Pareño

Coco Martin kinalampag para tuparin ang b-day wish ni Gina Pareño

Ervin Santiago - October 27, 2024 - 01:00 AM

Coco Martin kinalampag para tuparin ang b-day wish ni Gina Pareño

Coco Martin, Gina Pareño at Gladys Reyes

NANAWAGAN ang mga tagasuporta ng award-winning veteran actress na si Gina Pareño na sana’y tuparin ni Coco Martin ang wish nitong magkaroon uli ng trabaho.

Nabasa namin sa social media ang mga mensahe ng ilang netizens sa Kapamilya Teleserye King na umaapela para sa Gina na matagal na ring hindi napapanood sa telebisyon at pelikula.

Matatandaang nabanggit ng beteranang aktres sa isang panayam na gusto niyang mag-work at makaarte muli sa harap ng mga camera.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz nilinaw na hindi naghihirap si Gina Pareño: Mali yung intindi nila sa interview

“Baka gusto niyo ako kunin, ilawan para umakting. Sama niyo naman ako. Sige na. Sama naman ako diyan oh! Buhay pa po ako ha, eto po ako, present!” ani Gina.


Sa katunayan ito rin daw ang wish niya para sa kanyang 77th birthday, “Pelikula, television project. Makaarte. Mailawan. Sana makaarte ako ulit, sana maaalala nila ako. Hay naku, laking tuwa ko.”

Samantala, sa “Showbiz Updates” YouTube channel ay nanawagan din si Ogie Diaz kay Coco na baka puwedeng tuparin nito hiling ni Gina.

“Tanggol, baka puwede mo namang kunin si Tita Gina Pareño nang makaarte naman. Regalo mo na kay Tita Gina sa kanyang kaarawan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


“Knowing Tanggol, si Coco Martin, talagang mahilig namang magbigay ng break ‘yan si Coco. Kasi galing din naman siya sa wala noon. Binigyan din ng chance,” saad ni Mama Ogs.

“Ngayon, ibinabalik lang niya. Kumbaga, faith forward siya,” sey pa ng online host.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang pahayag si Coco sa wish ni Gina na nakasama na niya noon sa ilang pelikula at teleserye, kabilang na ang action-fantasy series na “Juan Dela Cruz” kung saan gumanap sila bilang maglola.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending