Gina Pareño sa kanyang 77th birthday wish: ‘Sana maakarte ulit ako’
SIMPLE lang ang hiling ng iconic actress na si Gina Pareño sa ika-77th birthday niya ngayong araw, October 20.
At ito ay ang masilayan siya muli sa telebisyon o sa big screen, ayon sa naging interview niya sa ABS-CBN News kasama ang entertainment reporter na si MJ Felipe.
Pero bago ‘yan, kinamusta muna siya ng reporter ngayong nasa edad 77 na ang batikang aktres.
Ang unang sagot sa kanya, “Buhay pa! Alive and kicking!”
Kasunod niyan ay inamin ni Gina na nami-miss niya ang pag-arte sa harap ng camera.
Baka Bet Mo: Gina Pareño ‘milyonarya’ na rin sa TikTok: Lahat ng comments sinasagot ko, naglalamay po ako
“Okay naman. Masaya. Pero ako, parang naghahanap ako ng ilaw, ‘yung camera,” sambit niya.
Pag-amin niya pa, “Nalulungkot ako ‘pag hindi ako umaarte. Kaya ang ginagawa ko nag-ti-TikTok ako, nakakaarte ako.”
Paliwanag pa ng veteran actress, “Unhappy ako kapag hindi ako umaarte –walang ilaw, walang camera na alam kong nasa kwarto lang ako. Parang nakalimutan na nila ako.”
Bandang huli ay naitanong siya kung ano ang birthday wish niya para sa taong ito.
Ang hiling niya, “Pelikula, television project, makaarte, mailawan.”
Mensahe pa niya, “Baka gusto niyo akong mailawan at umakting. Sama niyo naman ako. Sige na!”
“Sana maakarte ulit ako. Sana maalala nila ako…ay nako, laking tuwa ko [kung maalala nila ako],” ani pa ni Gina.
Ayon kay Gina, ang nagbibigay saya at aliw sa kanya ngayong wala siyang proyekto ay ang pag-aalaga sa kanyang mga anak, apo, at fur babies.
Para sa mga hindi aware, noong 1960s o nasa edad 17 pa lang si Gina nang pinasok niya ang mundo ng showbiz industry.
Ilan lamang sa mga blockbuster movies niya ay ang “Kubrador,” “Serbis,” “Si Darna at ang Planetman,” “Tayong Dalawa,” at marami pang iba.
Dahil sa mga award-winning acting skills niya, siya ay binansagang “Queen of Philippine Melodrama.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.