Nicole Cordoves kay Chelsea Manalo: ‘Be as authentic as you can!’
MAY mensahe at paalala si Miss Chinatown 2014 Nicole Cordoves para sa pambato natin sa Miss Universe na si Chelsea Manalo.
Kasalukuyan nang nasa Los Angeles, California si Chelsea upang paghandaan ang nalalapit na laban sa nasabing international pageant na mangyayari sa Mexico sa November 17, oras sa Pilipinas.
“Hi, Chelsea, very very sweet, angelic girl. Good luck on your journey and I’m sure your kind, gentle soul will emanate throughout your journey,” sey ni Nicole during her media conference para sa Mr. And Ms. Chinatown Global.
Saad niya, “Make as many friendships as you can and just enjoy the whole process.”
“Be as authentic as you can because that’s what you showed us in the Miss Universe Philippines pageant. You’re good, girl!” aniya pa.
120 candidates ang maglalaban-laban upang makuha ang korona ng Miss Universe mula sa reigning queen na si Sheynnis Palacios.
Susubukan ng Pinay beauty queen na iuwi ang ika-limang korona ng Pilipinas.
Kung matatandaan, Ilan lamang sa mga ipinagmamalaki nating mga Pinay na nagwagi sa Miss Universe ay sina Gloria Diaz, Margie Moran, Pia Wurtzbach, at Catriona Gray.
Samantala, si Nicole ay nagpaabot ng dasal para sa mga apektado ng pananalasa ni bagyong Kristine.
Naikuwento pa nga niya na may hosting gig sana sila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Sorsogon, ngunit ito ay hindi natuloy dahil sa masamang panahon.
“We have hosting gigs together but because of the typhoon, they got postponed. We were supposed to be in Sorsogon. So I’m really praying everyone is okay in the region because they were hit really hard. Stay safe, everyone,” sambit niya.
Para sa mga hindi aware, si Nicole ang first ever ambassador para sa inaugural ng Mr. and Ms. Chinatown Global na mangyayari sa January 2025.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.