Donny nag-donate para sa nasalanta ng bagyong Kristine

Donny nag-donate para sa nasalanta ng bagyong Kristine

Therese Arceo - October 24, 2024 - 08:09 PM

Donny nag-donate para sa nasalanta ng bagyong Kristine

PERSONAL na inihatid ng Kapamilya actor na si Donny Pangilinan ang kanyang mga donasyon na relief goods para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine lalo na sa lubos na naapektuhan sa Bicol region.

Mismong ang Angat Buhay Foundation ang naglahad ng ginawang pagtulong ng aktor para sa mga kababayan nating nahaharap sa matinding pagsubok.

“Heartfelt thanks to Donny Pangilinan for personally delivering relief goods at the Angat Buhay office!

“Maraming salamat sa walang sawang pakikipagbayanihan, Donny!” saad sa caption ng Facebook post ng Angat Buhay.

Kalakip nito ang mga larawan ng binata na may buhat ng mga kahon na naglalaman ng mga donasyon.

Baka Bet Mo: Maricel Laxa never nakialam sa lovelife ni Donny; certified DonBelle fan

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Marami naman sa mga netizens ang nag-iwan ng mga komento tungkol sa kabutihang loob na ginawa ni Donny para sa mga kababayan.

“Maganda ang pagpapalaki ng mga magulang,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Wow, consistent si Donny sa pagtulong. That means, he really has a good heart. Galing! Ingat sa mga volunteers. Praying for your safety.”

“Ang bilis! After @itsshowtimena, sugod agad sa @angatbuhay.”

Isa si Donny sa mga artistang nagpakita ng suporta noong tumakbo si dating VP Leni Robredo sa pagkapangulo at ang tiyuhin nitong si dating Sen. Kiko Pangilinan bilang vice president naman noong nagdaang May 2022 national elections.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending