Boss Toyo may 1,000 relief packs para sa nasalanta ni Kristine, pero…
ISA ang content creator at negosyanteng si Boss Toyo sa mga unang personalidad na nais magpahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.
Sa pamamagitan ng isang video, nanawagan si Boss Toyo sa mga kababayan natin na magtutungo sa Bicol na isa sa matinding hinagupit ng bagyo nitong mga nagdaang araw.
Kung sinuman daw ang may planong mamahagi ng ayuda at relief goods sa mga naapektuhang lugar sa Bicol ng bagyong Kristine ay maaaring makipag-ugnayan sa kanya.
Baka Bet Mo: Kyline Alcantara naghatid ng tulong sa Bicol, namigay ng relief goods sa mga biktima ng Mt. Mayon
Pwede niya raw kasing i-donate ang 1,000 relief packs na nasa kanilang bahay para maipadala agad sa mga nawalan ng bahay at pagkakakitaan dahil kay Kristine.
View this post on Instagram
Mapapanood ang isang maikling video sa Facebook reels ni Boss Toyo na in-upload niya ngayong araw, October 23, kung saan ipinakita nga niya ang isang libong relief goods na inihanda nila.
“Kung sino man ang pupuntang Bicol, kasi ‘di ako makakapunta dahil unang-una wala tayong sasakyan ngayon para makapunta,” pahayag ni Boss Toyo.
“Kung sino man ang pupunta o magdo-donate doon, puwede n’yo akong daanan dito. May 1,000 pieces relief goods din ‘to,” aniya pa.
Paalaa pa ng social media personality sa lahat, “Stay safe people.”
Ngayong araw, base sa weather update na inilabas ng PAGASA, ay itinaas na sa Signal number 2 ang malaking bahagi ng Bicol Region pati na sa Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon.
https://www.facebook.com/reel/481030571635159/?s=single_unit&__cft__[0]=AZVXtbWFwG7hGc2AKj2eeOFKrgyNXx2GOr3SsZoslXzOT8_gGGoTwQZli7MRNtMoa4p0rqpwol5LJ42Xo6eIl7VSSm6m8WMjS55VfiTWvk5k0sa5HXXOr51mKBsTP4CrNAnvSjGJUP2xeVukWPESt-y1uMw12snZDYkiCqIjyimge_-S9kWlUTDK_hiUsov6PK0ARQ1Z8JhGAZzBpAE3m_eF&__tn__=H-R
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.