Chinkee Tan sa chikang nakulong dahil sa crypto scam: Fake news!

Chinkee Tan sa chikang nakulong dahil sa crypto scam: Fake news!

Ervin Santiago - October 21, 2024 - 12:42 PM

Chinkee Tan sa chikang nakulong dahil sa crypto scam: Fake news!

Chinkee Tan

KUMALAT sa social media ang balitang nakulong umano ang dating aktor at motivational speaker na si Chinkee Tan dahil daw sa isang uri ng scam.

Ikinakabit ang pangalan ng financial expert sa “crypto scam” na sinasabing dahilan daw nang kanyang pagkakaaresto at pagkakakulong.

Mababasa ang tungkol dito sa ilang vlog sa YouTube at Facebook kung saan pinaratangan nga raw si Chinkee na sangkot sa “crypto scam” na isang uri ng panloloko na may konek sa mga cryptocurrency tulad ng Bitcoin, Ethereum, at marami pang iba.

Baka Bet Mo: Naranasan ko na lahat ‘yan, pera, kasikatan…ngayon interes talaga ng tao ang isusulong ko – Robin

Ginagamit dito ng mga scammer ang mga digital money o mga platform ng cryptocurrency para makapanloko at makakulimbat ng pera mula sa isang taong may digital or online assets.

Napag-usapan ang tungkol dito sa “Ogie Diaz Showbiz Update” YouTube channel at nilinaw nga ni Chinkee ang kumalat na chikang nakulong siya dahil sa “crypto scam.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chinkee Tan (@chinkeetan)


Wala raw katotohanan ang naturang balita at malinaw na fake news ito kaya naman winarningan niya ang publiko sa mga naglalabasang pekeng balita na nagsasabing sangkot siya sa investment scam at nakulong pa.

Nabatid na naghain na rin ng formal complaint si Chinkee Tan sa National Bureau of Investigation Cybercrime Division para hantingin at panagutin ang mga nagpakalat ng malilisyosong balita tungkol sa kanya.

Bukod dito, inireklamo rin ni Chinkee ang mga false advertisement na naglalabasan sa social media gamit ang kanyang litrato.

“This is not only a blatant lie, but it’s also a harmful tactic meant to defraud individuals. I urge everyone to be cautious and verify the legitimacy of such reports,” pahayag ni Chinkee.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending