Pangarap na ospital, palengke ng taga-Bailen, Cavite tinupad ni Sen. Tol
WALANG pagsidlan ang kasiyahan ng mga residente ng General Emilio Aguinaldo dahil natupad na ang pinapangarap nilang sariling pampublikong ospital.
Binigyan katuparan ni Sen. Francis “Tol” Tolentino ang pangarap nila at ito naman ay pagtupad sa kanyang ipinangako.
Inaasahan na matatapos ang ospital sa susunod na taon.
Sinabi ni Mayor Dennis Glean hindi na kinakailangan pa na isugod sa mga ospital sa mga katabi nilang bayan ang kanyang mga kababayan na nangangailangan ng atensiyong medikal.
Baka Bet Mo: Tolentino namahagi ng tulong sa mga mangingisda ng Sta. Cruz, Zambales
Kasabay nito, pinasinayaan na rin ni Tolentino ang bago, malawak at malinis na pamilihang bayan ng General Emilio Aguinaldo.
Sa kanyang mensahe, nagbilin si Tolentino na umaasa siya na magiging daan ng tunay na pagkakaisa at pag-unlad ang palengke.
Bago pa ito, pinangunahan ng reelectionist senator ang medical mission sa municipal covered court kung saan nagkaroon ng libreng konsultasyon at distribusyon ng mga gamot at bitamina.
Kasabay nito ay ang pamamahagi ni Tolentino ng mga salamin sa mata at wheelchairs sa senior citizens at sa mga person with disability (PWD).
Nangako pa ang senador na magbabalik siya sa bayan para mamahagi ng mga karagdagang tulong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.