Sylvia super spoiler na lola; Ria, Zanjoe tutok na tutok sa 1st baby

Sylvia super spoiler na lola; Ria, Zanjoe tutok na tutok sa 1st baby

Ervin Santiago - October 17, 2024 - 06:15 AM

Sylvia super spoiler na lola; Ria, Zanjoe tutok na tutok sa 1st baby

Zanjoe Marudo, Ria Atayde at Sylvia Sanchez kasama si Baby Z

SURE na sure ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez na magiging spoiled sa kanya ang first baby nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

In fairness, matagal na namang sinasabi ni Ibyang na talagang ibibigay niya raw ang lahat ng kakailanganin ng kanyang kauna-unahang apo.

Nang makachikahan namin uli ang Kapamilya actress sa presscon ng major concert ni JK Labajo na “Juan Karlos Live”, kitang-kita ang kanyang kaligayahan at excitement nang mapag-usapan ang apo.

“Ah, basta ganito lang, ang sinabi ko lang kay Zanjoe saka kay Ria kapag meron silang sasabihin sa akin, ‘Mommy bawal pakainin ng ice cream, ng chocolates ‘yung anak ko.’

Baka Bet Mo: Ruru Madrid kay Bianca Umali: Ikaw lang ang minahal ko nang ganito!

“Huwag silang maniniwala ‘pag sinabi ko sa kanilang, ‘ay hindi ko pinakain’ dahil hindi totoo ‘yun. Kasinungalingan ‘yun,” ang sey ni Ibyang sabay tawa.

“Ngayon pa lang, oo (spoiler na), pero siyempre tuturuan ko rin na bawal ‘yung ganito, kailangan ganu’n pero sa kanila Z ‘yan. Ayoko silang sagasaan diyan,” pahayag pa ng producer ng concert ni JK.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sylvia Sanchez (@sylviasanchez_a)


Natanong din siya kung kumusta ang anak niyang si Ria bilang mommy, sey ng veteran actress mas maalaga raw ang aktres kesa sa kanya.

“Wala, siya talaga kahit may yaya, siya talaga,” sey pa ni Ibyang sa pagiging hands-on nanay ni Ria.

Kahit naman daw si Zanjoe ay isa ring hands-on tatay, “Isa pa ‘yun. Ayaw niyang every time na si Ria pupuntang clinic, magpapa-check up nu’ng buntis pa ayaw niya na hindi siya kasama.

“Sobra! Hands-on si Zanjoe sa asawa niya at sa anak niya. Hindi nga ako pwedeng sumama dahil siya nga. Eh, siya naman asawa. Hindi ko nga na-experience ‘yun,” dagdag pahayag pa ni Sylvia.

Sey pa niya, hindi talaga tumatanggap ng trabaho si Zanjoe kapag alam niyang may lakad o trabaho si Ria.

Tinanong din namin siya kung ano ang feeling ng pagiging lola sa kanyang first apo, “Masaya. Sa kanila ngayon ‘yung baby. Kasi ‘di ba nasa bahay nila. So, ngayon ‘yung baby nasa kanila. Sige sige, paglaki-laki niyan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Natatawa pang chika ni Ibyang na kinakausa na siya ni Ria na huwag nang masyadong ipag-shopping ang anak nila ni Zanjoe dahil wala na raw space sa bahay nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending