Ina ni Sandro sa panghahalay sa anak: Hindi ako umiyak, nagwala ako!
SA kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita ang ina ng Sparkle artist na si Sandro Muhlach hinggil sa umano’y panghahalay sa anak ng dalawang independent contractors ng GMA 7.
Kamakailan ay umuwi sa Pilipinas si Edith Millare mula sa Amerika, ang dating partner ni Niño Muhlach, para makapiling muli si Sandro, sa gitna ng kinakaharap nitong kontrobersya.
Ayon kay Edith, nagdesisyon siyang bumalik sa bansa dahil alam niyang kailangang-kailangan siya ni Sandro habang nakikipaglaban hinggil sa kasong sexual abuse na isinampa niya laban kina Jojo Nones at Richard Cruz.
Baka Bet Mo: Sexual assault: Paano nga ba maiiwasan ng mga kababaihan?
Sa panayam ng veteran columnist at online host na si Aster Amoyo kay Edith, binalikan nito ang araw nang malaman niya ang masaklap na nangyari sa anak.
View this post on Instagram
“Hindi ako umiyak, nagwala ako. Pero ayaw niya (Sandro) akong mag-breakdown kasi sabi niya lalaban siya,” ang pahayag ni Edith.
Napakasakit daw para sa inang tulad niya ang malamang inabuso ang kanyang anak ng mga taong pinagkatiwalaan nito nang pasukin ang mundo ng showbiz.
“Dati nagtitiwala ako na lagi siyang okay. Pero ngayon parang lagi akong worried na dahil sa nangyari. Hindi ko matanggap.
“‘Yung masakit doon, tatanong mo, ‘Bakit siya? Bakit siya? Very trusting ‘yung pagkatao niya, e.’ At saka ‘yung respeto na meron siya doon sa tao.
“Tapos inilagay siya sa isang sitwasyon na very painful. Sobrang hindi ko alam kung matatanggap ba ng kahit sinong ina iyon. Hindi siguro,” pahayag pa ng nanay ni Sandro.
View this post on Instagram
Ngunit para kay Edith, “But with God’s grace, I think mas pipiliin kong isipin kung paano namin iyon maayos. Kung paano ‘yung magiging flow ng therapy niya. Iyon, iyon siguro kung bakit ako nakatayo ngayon.”
Sobrang nasasaktan din daw siya sa mga nababasang hate comments patungkol kay Sandro. Hindi niya raw ma-gets kung bakit bina-bash pa ang kanyang anak sa kabila ng nangyari sa kanya.
“Masakit sa akin na sasabihin na gagawa ka ng kwento dahil lang sumikat. Mali, e. Maling mali iyon. Iyon ang gusto ko sabihin sa lahat.
“Everyday was a struggle for him. Hindi ko maitatanggap ngayon na sinungaling ang anak ko. Kasi kung meron nakikilala sa anak ko, ako na iyon.
“Hindi marunong gumawa ng kuwento iyan at sa lahat ng sekreto niya, imposibleng hindi niya masasabi sa akin,” lahad pa ng ginang.
Samantala, ipinagtanggol din ni Edith si Sandro sa mga bashers na nagsasabing parang hindi naman daw na-trauma ang binata sa nangyari sa kanya dahil sa ginagawa niyang pagbabakasyon sa iba’t ibang lugar.
“Marami kasing nagsasabi, ‘Akala ko ba trauma pero masaya lagi.’ Iyon ‘yung isa sa ano ko rin, e na parang hindi mo naman ide-deal ang trauma every hour, e.
“Dahil may mapagmahal siyang pamilya, dalawang pamilya nagmamahal sa kaniya, mukha siyang naka-recover. Pero I don’t think so.
“Kailangan niya ng continuous therapy at nangyayari iyan hanggang ngayon,” esplika ng ginang.
Nagbigay din siya ng paalala sa lahat ng mga nangnenega kay Sandro, “Be mindful of what you say. Pagdasal n’yo muna kasi it couldn’t help someone who has been in a trauma tapos dadagdagan n’yo pa ng bashing.
“I think the value of cheering who you love instead of bashing who you hate. Babalik sa inyo, e.
“Lahat ng negativity na pinapasa n’yo sa ibang tao, sa lahat ng taong hate n’yo, I don’t think nakakabuti sa inyo or sa taong bina-bash n’yo.
“Sana ay maintindihan din nila na ‘yung maliliit na comments nakakadagdag sa trauma ng anak ko,” pahayag pa ni Edith.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.