Sandro Muhlach: Binaba po yung pantalon ko tapos…sobrang laswa po!
Trigger Warning: Mention of sexual abuse, sexual harassment
MALUHA-LUHA na naman si Sandro Muhlach nang muling humarap sa Senate hearing ngayong araw August 27, sa pamamagitan ng virtual meeting.
Dito, muli niyang binalikan ang ginawa umanong panghahalay sa kanya ng dalawang independent contractors ng GMA 7 na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Tanging si Nones lamang ang humarap sa pagdinig na nakakulong pa rin sa detention center ng Senado. Wala sa hearing si Cruz dahil naka-confine raw ito sa St. Luke’s BGC sa Taguig City.
Baka Bet Mo: 2 GMA exec na inakusahan ni Sandro ng sexual abuse umapela sa publiko
Pinangunahan pa rin nina Sen. Robin Padilla at Sen. Jinggoy Estrada ang hearing ng Committee on Public Information and Mass Media kung saan present din ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach at ang actor-singer na si Gerald Santos.
View this post on Instagram
Sa isang bahagi ng hearing, ikinuwento nga ni Sandro ang nangyari sa kanya noong July 21, sa loob ng hotel room nina Nones at Cruz.
“It just happened after the GMA Gala. Pagpunta ko po ng room nila, ayun nga po, nakita ko po si Sir Jojo saka si Dode Cruz. Si Dode Cruz po, lasing na lasing na.
“Ipinakilala po ako ni Sir Jojo. So, tumayo po si Dode sa… tumayo po si Dode sa bed, tapos pinakilala po ako ni Sir Jojo, ‘Si Sandro ito, anak ni Niño, magaling na artista ito. Magaling na kontrabida ito. Ika-cast ko ito soon.’
Baka Bet Mo: Jinggoy na-bad trip, inakusahan ng rape ni Sandro kulong sa Senado
“Ganu’n po ang usapan, ganyan. Tapos, inabutan po nila ako ng wine. Pinainom po ako ni Sir Jojo ng wine. Then, nag-abot nga po siya ng P500-bill sa akin. Then may nilagay po siyang white substance dun po sa table ng hotel,” salaysay ng aktor.
“Tapos, ayun po, tinuruan niya ako kung paano…kung paano gamitin po yung substance. Nauna po silang humithit ni… nauna po silang suminghot ni Dode Cruz, sila pong dalawa. Then, ako po yung pinasunod nila.
“Then, after ilang minutes po, after ilang minutes po hinila nga po ako ni Sir Jojo sa kama. Then, si Dode Cruz po…si Dode Cruz po, tinanggal po yung polo ko. Bigla po niyang…” napapikit na si Sandro at parang hindi na kayang ituloy ang pagsasalita.
Makalipas ang ilang segundo, “Bigla po niyang… bigla po niyang sinuck yung nipples ko po. Parehas. Sobrang sakit po.
View this post on Instagram
“Then si Sir Jojo po, binaba po yung pantalon ko. Tapos…Sir, sobrang laswa po, it’s gonna be…” tuluyan nang bumigay ang binata kaya sumingit na si Sen. Jinggoy.
“They took turns,” sabi ng senador.
“Yes po, Your Honor,” pagsang-ayon ng anak ni Niño.
Samantala, maraming tanong si Sen. Jinggoy na hindi sinagot ni Nones kaya naman nagalit na naman ang aktor at politiko sa akusado na sinampahan ni Sandro ng kasong rape at acts of lasciviousness kasama si Cruz sa Department of Justice.
Ang palaging sagot ni Nones ay, “I would like to invoke my right to self-incrimination Your honor. Since the case is already in the DOJ, we will answer there.”
Matapang din itong sumagut-sagot kay Jinggoy, “I don’t think it is fair and proper that you detain me just because I invoke my constitutional right to self-incrimination, Your honor. Wala pong pilitan, hindi naman po tayo korte.”
Nayabangan naman si Sen. Jinggoy kay Nones na sumagot pa ng, “Hindi ako mayabang, Your honor. May karapatan din po akong konstitusyonal.”
Bwelta ng senador, “I know your rights.” Na sinagot uli ni Nones ng, “Yet you have detained me for eight days, Your honor.”
Pasigaw nang sagot sa kanya ni Jinggoy, “I will still detain you!”
“For just exercising my constitutional rights, you continue to detain me. I think it’s injustice,” hirit pa ni Nones.
“I know your rights!” sey uli ng senador na sinabing kumuha na lang daw ng court order si Nones kung gusto nitong makalabas ng detention center ng Senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.