Tatay ni Paul Salas ikinasal na: Better late than never, ika nga nila!
IKINASAL na ang tatay ni Paul Salas na si Jim Salas sa long-time partner nitong si Ai Alix kamakailan.
Mismong ang Kapuso actor ang nagbahagi ng good news sa publiko sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.
Ipinost ni Paul sa Instagram ang mga wedding photos ng kanyang ama na dating member ng grupong Universal Motion Dancers (UMD) at ng asawa nitong si Ai.
Feeling blessed daw ang aktor dahil personal niyang na-witness ang pagpapakasal ng kanyang tatay sa babaeng pinakamamahal nito.
“Better late than never ika nga nila!” ang simulang mensahe ni Paul sa caption ng kanyang IG post.
Dagdag pa niya, “Bihirang ma-experience ng isang anak ang kasal ng magulang nila. Blessed to have witnessed this moment. Thank you, Jesus!
“To Mr. and Mrs. Salas, Mabuhay ang bagong kasal!” ang buong pahayag ni Paul sa wedding ng ama.
Matagal nang hiwalay si Jim sa dati niyang asawang si Michelle Solinap, ang nanay ni Paul at ng kapatid niyang si John Salas.
Sa isang panayam noon, inamin ni Paul na na-trauma siya sa breakup ng kanyang mga magulang dahil bata pa lamang nang mangyari ito.
At napakalaki raw ng naitulong ng girlfriend niyang si Mikee Quintos para maka-recover sa kanyang trauma.
Sey ng binata, 14 lang siya nang maghiwalay ang parents niya, “Medyo hindi ko pa naiintindihan noon. Ngayon ko pa lang talaga, maraming realizations na may mga past traumas pala ako about it.”
“Aminado po ako sa sarili ko sobra pa ko sa seloso. So, nu’ng time po na pumapasok si Mikee sa buhay ko, ito ‘yung time na masasabi kong du’n ko siya na love dahil sa understanding niya sa akin, sa patience niya sa akin dahil ‘yung past traumas ko po.
“Alam ko po hindi nag-work si dad and mom, both sila nagkamali du’n, kung ano man naging sitwasyon na ‘yun. Pero maayos na po yung family namin ngayon,” pahayag ni Paul.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.