Sen. Bato gigil mode, gustong ‘suntukin’ si Kerwin Espinosa, anyare?
GALIT na galit si Senador Ronaldo “Bato” dela Rosa sa controversial Albuera mayoral candidate na si Kerwin Espinosa.
Ito ay matapos sabihin ni Kerwin sa quad committee ng House of Representative na inutusan siya ng dating top cop na idawit sina Peter Lim at dating Senador Leila de Lima sa illegal drug trade.
Ayon sa senador, gusto niyang suntukin ang self-confessed drug lord kapag ito ay makita niya sa personal.
“Ang masasabi ko lang kay Kerwin Espinosa, sinungaling siya,” sey ni dela Rosa sa reporters sa isang phone interview noong Biyernes, October 11.
Sambit pa niya, “Kapag nakita ko siya, suntukin ko siya sa mukha, masyado siyang sinungaling.”
Baka Bet Mo: Karen Davila: Takot ka sa presidente o sa boss mo pero hindi ka takot sa Diyos?
Paliwanag ng senador, binisita niya noon ang mayoral candidate upang tanungin sa personal kung tumanggap ng pera mula sa kanya si Police Col. Jovie Espenido.
“Kinonfirm ko lang ‘yung nangyari kay Espenido nga, kung totoo ba ‘yung sinabi niya na tumatanggap sa kanya ng pera si Espenido. Yung gabi lang na ‘yun, after ng Senate hearing, kasi nabagabag ako talaga dahil nga sinabi niya na si Espenido raw ay tumatanggap ng pera sa kanya,” esplika ni dela Rosa.
Patuloy niya, “Other [than] that, wala na kaming pinag usapan. Paano ako magkuha na idiin pa si Peter Lim, sinong — anong makukuha ko roon? Na meron namang imbestigador na may hawak sa kanya.”
Dagdag pa ng senador, “Alam na alam ng mga tao ‘yan kahit na nakakulong siya sa National Bureau of Investigation [ay] gumagana pa rin ang droga doon sa lugar niya sa Albuera. Gumagana pa rin kasi siya pa rin ang nagpapatakbo.”
Kung maaalala, si Sen. Bato ang chief implementer ng “War on Drugs” campaign sa ilalim ng pamumuno noon ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, si Kerwin ay nagsumite na ng certificate of candidacy upang tumakbo sa pagkaalkalde sa kanyang hometown sa Albuera sa Leyte province.
Last year lamang nang lumaya siya sa pagkakakulong matapos ibasura ng Regional Trial Court ng Baybay City ang kaso laban sa kanya dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Taong 2016, isa siya sa mga personalidad na inakusahan ng dating Pangulong Duterte kaugnay sa illegal drug trade sa Eastern Visayas.
Ang ama ni Kerwin na si dating Mayor Rolando Espinosa ay nag-surrender sa kalagitnaan ng nasabing taon, ngunit siya ay pinatay sa loob ng kulungan ng Baybay City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.