Karen Davila: Takot ka sa presidente o sa boss mo pero hindi ka takot sa Diyos? | Bandera

Karen Davila: Takot ka sa presidente o sa boss mo pero hindi ka takot sa Diyos?

Therese Arceo - May 04, 2022 - 08:42 PM

Karen Davila: Takot ka sa presidente o sa boss mo pero hindi ka takot sa Diyos?

SUNUD-SUNOD ang mga makakahulugang tweets ng Kapamilya broadcaster na si Karen Davila kaugnay ng kaso ni senatorial candidate na si Leila de Lima na limang taon nang nakapiit sa kulungan.

Matapos bawiin ng diumano’y drug lord na si Kerwin Espinosa ang kanyang pahayag na nakipag-ugnayan siya noon sa nakakulong na senador patungkol sa ilegal na droga.

“I have no dealings with Senator De Lima and I have not given her any money at any given time,” saad ni Espinosa.

Dagdag pa niya, “Any statements I made against the senator are false and were result of pressure, coercion, intimidation, and serious threats to my life and my family members from police who instructed me to implicate the senator into the illegal drugs trade.”

At noong Lunes, May 2, maging ang dating Bureau of Corrections at star witness na si Rafael Ragos ay binawi na rin ang kanyang statement laban kay de Lima at inamin na kaya niya ito nasabi ay dahil binantaan raw siya ni Departmet of Justice Secretary Vitaliano Aguirre noong 2016 para tumestigo laban kay De Lima.

Kaya naman sa kanyang Twitter account ay inihayag ni Karen ang kanyang sentimyento ukol sa nangyari sa senadora.

“This is tragic! Shouldn’t Ragos be held accountable for LYING and giving false testimony? This is an abuse of the powers and resources of government. And if it is true former SOJ Aguirre coerced him shouldn’t cases be filed against him?” saad ni Karen kalakip ang artcard ng statement ng dating opisyal ng gobyerno.

Aniya, hindi pa ba sapat ang pagbawi ng pahayag nina Ragos at Espinosa para palayain si De Lima.

Tweet niyang muli, “With Kerwin Espinosa and former NBI official Ragos recanting their statements – isn’t this enough for Sen Leila de Lima’s cases to be dismissed?

“What shame for Ragos not to have been able to stand up to pressure then. But – it is never too late to do the right thing,” lahad ni Karen.

Makalipas ng ilang minuto ay muli na naman nag-tweet ang broadcaster.

“Isipin n’yo. Naginungaling ka at dahil dito – nakulong ang isang tao ng 5 taon. All those years lost.

“Takot ka sa presidente o boss mo, pero hindi ka takot sa Diyos?” makahulugang sabi ni Karen.

Marami sa mga netizens ang sumang-ayon sa pahayag ng Kapamilya journalist.

“You’re right. Hindi naman talaga reliable ang justice system dito. Yung mga tunay na kriminal, nakakawala — pero ang mahihirap at kalaban sa pulitika, nakakulong,” saad ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “All those years lost she could have served in the senate efficiently and excellently. Importantly the lost time with her family and loved ones.”

Muli namang nag-tweet si Karen at sinabing may magagawa pa ang Department of Justice sa kaso ng senador.

 


“Enough injustice has been committed all for fear of this administration.

“After these 2 major recantations, can the DOJ still do something [with] Sen Leila De Lima’s case?

YES. DOJ can review the cases they filed & on its own file motions [with] the courts to withdraw the charge sheets.”

Related Chika:
Bakit ‘bawal’ nang maglabas si Karen Davila ng mga Presidential interview sa kanyang vlog?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Karen Davila saludo kay Jessica Soho: Mas mahirap pong magpatakbo ng Pilipinas kaysa humarap sa mamamahayag…

Karen Davila, pamilya tinamaan na rin ng COVID-19: We are recovering quite well

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending