Enrique wala nang ganang mag-work dahil sa 'I Am Not Big Bird'?

Enrique Gil wala nang ganang mag-work dahil sa ‘I Am Not Big Bird’?

Reggee Bonoan - October 06, 2024 - 04:05 PM

Enrique walang ganang mag-work, 'di raw kumita ang I Am Not Big Bird?

Enrique Gil

ANO’NG nangyayari ngayon sa aktor na si Enrique Gil? Bakit wala na siyang drive magtrabaho tulad ng dati na kaliwa’t kanan ang ginagawang projects?

Apektado pa rin kaya siya sa mga nangyayari ngayon sa ex-girlfriend niyang si Liza Soberano kahit matagal na silang hiwalay?

Naibalita ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” nila ni Mama Loi na kasalukuyang nasa Italy at ang Leaning Tower of Pisa ang kanilang background habang nagsu-shoot ng kanilang vlog na napapanood ngayon sa YouTube.

Baka Bet Mo: Vice Ganda may pa-open letter sa ‘Showtime’ family: Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin

Napag-usapan kasi ng dalawa si Liza na ngayon ay may bagong management na, from Careless to Wild talent management sa Singapore kaya madalang na sigurong uuwi ng Pilipinas ang aktres dahil sa kasalukuyan ay wala nang namamahala ng career niya rito sa bansa.

Ang payo ng dating manager ni Liza, sana raw ay may agent siya rito sa Pilipinas para may representative siya kapag may offer.

Saktong binanggit ni Nama Loi si Enrique kung kumusta na kaya sila ni Liza.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17)


Sagot ni Ogie, “Ayun na nga nabanggit mo si Enrique nakakaloka, e, kung napapansin nga (hindi aktibo), may ginagawa yata si Enrique pang-filmfest (Metro Manila Film Festival) pero may nagtimbre sa akin, may nagtsika lang sa akin.

“Si Enrique ay nalungkot du’n sa outcome sa box-office ng ‘I am not Big Bird’ (produced ni Quen), e, yun pa naman ang kanyang unang sabak sa pagbabalik (showbiz) kaya lang hindi pinalad sa box-office (sabay tanong kay Mama Loi), ‘nag-number one ba sa Netflix, hindi naman?”

Sagot ni Mama Loi, “Hindi ko napanood, lumabas na ba sa Netflix?”

“Oo nasa Netflix pa napapanood, medyo devastated si Enrique,” say ni Ogie.

Dagdag pa, “Alam n’yo ba itong si Enrique originally nasa Incognito ‘yan (serye nina Richard Gutierrez at Daniel Padilla).”

Nagulat si Mama Loi, “Oh, sayang ang ganda ng project na ‘yun, ah.”

“Oo, e, biglang natabangan na si Enrique, di ba kakapirma pa lang niya sa ABS-CBN (Abril, 2023) kung baga ginaganahan siya, pero sa takbo ng pangyayari ay parang nawawalan ng sigla si Enrique sa kanyang pagbabalik (showbiz).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17)


“Kaya tingnan natin baka naman may iba pang proyekto,” kuwento ng kilalang talent manager, host at content creator.

Hirit ni Mama Loi, “Teka ‘Nay, kung kasama si Enrique sa Incognito tapos hindi na siya natuloy sinong pumalit sa role niya?”

Sagot ni Ogie, “Yan ang hindi natin alam Mama Loi, mahirap namang magtuturo kung si Ian Veneracion ba, si Richard Gutierrez or si Daniel Padilla.”

Sundot ni Mama Loi, “O, si Anthony Jennings?”

Say ni Ogie, “Hindi natin alam! (sabi ni Nama Loi ay si Baron Geisler).”

“Oh my God! Ganu’n ba?” nakatawang sagot ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya abangan natin kung ano ang sasabihin ni Enrique bilang bukas naman ang BANDERA sa panig niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending