Babala ni Barbie sa mga pekeng content: ‘Ingat…pinapayaman niyo lang sila’
MATAPOS kumalat ang fake news na wala na siya sa “FPJ’s Batang Quiapo,” naglabas ng saloobin ang aktres na si Barbie Imperial sa social media.
Sa pamamagitan ng Facebook, ibinandera ni Barbie ang babala sa publiko kaugnay sa mga negatibong contents na nakikita o nababasa online.
Nagawa rin niyang pagsabihan ang mga nagpapakalat ng pekeng balita na huwag gamitin ang kasinungalingan upang kumita ng pera.
“Ang daming pages ngayon na puro negativity ang pinopost. Worse, puro kasinungalingan para lang umangat ang engagements at kumita ng pera gamit ang paninira,” sey ni Barbie sa FB.
Patuloy niya, “Nage-gets ko naman na kailangan kumita ng pera pero sana sa paraang hindi magsisinungaling.”
Baka Bet Mo: Ogie Diaz may babala sa mga mahilig mag-advice: Make sure na hindi ka toxic mismo, ha?!
Inamin din ng aktres na nalulungkot siya dahil maraming tao pa rin ang naniniwala sa ilang false contents, kahit hindi pa ito verified.
“Ingat sa pag comment and like, pinapayaman niyo po yang mga may-ari ng pages na yan,” paalala niya sa publiko.
Wika pa niya, “Nakakalungkot kasi paninira na ang strategy ng marketing ngayon, at ang daming naniniwala without fact checking.”
Magugunitang pinagpipiyestahan sa socmed ang “dating rumors” sa pagitan nila ng aktor na si Richard Gutierrez.
Wala pang pahayag ang dalawa tungkol sa mga chikang ito, pero ilang beses na silang “spotted” sa iba’t-ibang lugar.
Kabilang na riyan ang bakasyon sa South Korea, workout date sa isang gym, birthday party ni Barbie at ang most recent ay ‘yung sa isang restaurant sa Italy.
Kamakailan lang din ay naging headline ng mga balita ang aktres dahil sa isyung umalis na raw ito sa “Batang Quiapo.”
Pero agad namang nilinaw ng Dreamscape Entertainment na fake news ito at iginiit na parte pa rin ng nasabing serye si Barbie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.