‘Julian’ binabadya ang Batanes kaya inilagay na sa Signal No. 4
TULUYAN nang nakalapit at binabadya ng Bagyong Julian ang bahagi ng Batanes, base sa 11 a.m. weather update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong araw, September 30.
Huli itong namataan sa coastal waters ng isla ng Sabtang ng nasabing probinsya.
Ang taglay nitong lakas na hangin ay 175 kilometers per hour at bugsong aabot sa 240 kilometers per hour.
Kasalukuyan itong kumikilos pa-hilaga sa bilis na 10 kilometers per hour.
Bilang dumaan ang Typhoon Julian sa Batanes, ito ay inilagay na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 4, kasama ang northern portion ng Babuyan Islands (mga isla ng Babuyan at Calayan).
Baka Bet Mo: Groom niregaluhan ng ‘money cape’ ang bride na gawa sa P1-M: Sana all!
Nasa Signal No. 3 ang nalalabing bahagi ng Babuyan Islands at ang northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana).
Signal No. 2 naman ang natitirang bahagi ng mainland Cagayan, Apayao, Abra, Kalinga, Ilocos Norte, northern at central portions ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao).
Nananatili naman sa Signal No. 1 ang nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Ifugao, Mountain Province, Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, northern at eastern portions ng Nueva Ecija (Cuyapo, Rizal, Laur, Pantabangan, Science City of Muñoz, Gabaldon, Carranglan, San Jose City, Lupao, Talugtug, Bongabon, Llanera, Talavera, Palayan City, General Mamerto Natividad), at Polillo Islands.
Dahil sa typhoon, uulanin ang Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Apayao, at Ilocos Norte ngayong araw.
Gayundin ang mararanasan sa Aurora, nalalabing bahagi ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.
Asahan din ang kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, at ang natitirang lugar sa Central Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.