Amihan, shear line, ITCZ magpapaulan sa bansa ngayong Dec. 8
PAALALA mga ka-BANDERA kung sakaling mamamasyal o lalabas kayo ng bahay, lalo na’t family day ngayon and at the same time ay holiday dahil sa ipinagdiriwang ang “Immaculate Conception of Mary.”
Huwag kalimutang magdala ng payong at kapote dahil ayon sa report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong araw, December 8, tatlong weather systems ang mapapaulan sa malaking bahagi ng bansa.
Ito ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ), shear line, and northeast monsoon o “amihan.”
Base sa 5 a.m. weather bulletin ng ahensya, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas, Negros Island Region, at Palawan dahil sa ITCZ.
Gayundin ang idudulot ng shear line sa Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte, at Camarines Sur.
Uulanin din ang Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at ang nalalabing bahagi ng Cagayan Valley nang dahil naman sa amihan.
Babala ng PAGASA, ang mga nabanggit na lugar ay posibleng makaranas ng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.
Nabanggit din ng weather bureau na may epekto rin ang northeast monsoon sa Ilocos Region at sa natitirang lugar ng Cordillera Administrative Region, ngunit ito ay walang “significant impact.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.