Ex-TNT contestant na pinag-aral ni Vice nagtapos ng magna cum laude
TODO-TODO ang pasasalamat ng dating child star at “Tawag ng Tanghalan” contestant na si Amy Nobleza kay Vice Ganda matapos maka-graduate ng college.
Napakalaki raw ng naitulong ng Phenomenal Box-Office Star sa kanya dahil ito nga ang sumagot sa ilang gastusin para maipagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.
Ibinandera ni Amy sa kanyang social media accounts ang pagtatapos niya bilang magna cum laude, with a degree in Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management sa Lyceum of the Philippines University Manila.
Kalakip ng kanyang graduation photos ang mensahe niya sa lahat ng mga taong naging katuwang niya para maka-graduate at magkaroon ng college diploma.
Baka Bet Mo: Geneva Cruz balik sa pag-aaral; nag-thank you kay Ronnie Liang
“I did it! Thank you, Lord! Everything became possible because of the support and trust of the people around me.
“I thank my family for their love and unwavering support; my classmates for our unforgettable moments, late nights, and countless coffees,” ang simulang pagbabahagi ni Amy sa kanyang Instagram.
View this post on Instagram
Pagpapatuloy niya, “Team Amy and my friends who support me in my endeavors; my professors for their guidance and the wisdom they shared with us.”
Kasunod nito, pinasalamatan din niya si Vice Ganda, “And especially to the person who helped me finish and achieve this, meme @praybeytbenjamin. I’ll forever be grateful to you. This is just the beginning. Cheers to the future!” she remarked.
Matatandaang nangako si Vice na tutulungan si Amy sa kanyang pag-aaral sa isang episode ng “Tawag ng Tanghalan” noong 2019.
“Kapag hindi mo kaya ha, ako magpapaaral sa iyo. Mag-usap tayo tutulungan kita to make sure matutuloy pag-aaral mo.
“Kasi nakakahanga ang artista na bata pa lang tapos hindi umalis sa eskuwelahan tapos honor student. Tapusin mo pag-aaral mo para sa akin na hindi nakatapos ng pag-aaral, okay?” ang sabi ni Vice kay Amy.
Naluha naman ang dating child star sa pahayag ni Vice at nagpasalamat nang bonggang-bongga.
Narito naman ang ilang comments ng netizens sa IG post ni Amy.
“Grabe si meme vice. Congrats amy!!!!”
“Congrats Amy so proud of you.”
“Naks congrats naman sayo, with magna cum laude pa ha!”
“Worth it. Di mo binigo si Meme!”
“Amg swerte nyo po. Sobrang bait talaga ni Meme Vice.”
Napanood noon si Amy noon sa seryeng “Mutya” (2011), “Past, Present, Perfect” (2019), at “FPJ’s Ang Probinsyano” (2015).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.