Christian Bables pinanindigan ang pagiging drag queen: ‘Iilan lang kaming may tapang gawin ito ‘yung iba kasi natatakot’
WALANG pakialam si Christian Bables kung ma-typecast man siya sa role na bading.
Sa kanya kasing latest project, ang “Drag You and Me” na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes ay isang drag queen ang kanyang role.
“Kung walang tatanggap ng ganito (na role), sino? Kung iilan lang kaming I must say na merong tapang, ayun, doon ko na lang tatapusin iyon.
View this post on Instagram
“Iilan lang kaming merong tapang mag-accept ng mga ganitong klaseng characters kasi ‘yung iba natatakot ma-typecast, ‘yung iba natatakot as ganito, ganyan,” paliwanang niya kung bakit niya tinanggap ang role na drag queen na may pagkakontrabida.
“Ako kasi, for as long as the character being offered to me is a living, breathing character, a character full of heart and life, gagampanan ko ‘yan.
“Sabi ko nga sa mga interviews, kahit na tutubi pa ‘yan ay gagagmpanan ko basta something relevant at makakapagbigay ng boses doon sa mga voiceless,” dagdag niyang paliwanag.
When we asked him what are the things he had to unlearn to portray his character perfectly ay ito ang sagot ng actor, “Ako, I have to unlearn the totality of myself kasi hindi ako ‘yung pino-portray ko. It is someone way far different from me, who I am as a person.”
Baka Bet Mo: Camille tinanong ng anak kung ano’ng meaning ng bading: Kahit ako parang na-confuse…
At kung paano naman niya pinaghandaan ang kanyang character, this is how he explained it, “Pinaghandaan ko ito just like kung paano ako maghanda sa iba’t ibang characters na pino-portray ko.
“Of course, kinuha ko ‘yung objective ng character. Ano ang pinagmumulan ng character at bakit siya ganoon. Pero ‘yung pinakaunang bagay na hindi ko ginawa is to judge the character. ‘Ah, kontrbaida siya.’ Quote, unquote kontrabida siya.
View this post on Instagram
“It’s because the mundo niya ay hindi siya kontrabida. Valid ‘yung istorya niya. Valid ‘yung rason kung bakit niya ginagawa iyon kina Betty (Andrea Brillantes) dahil nga may pinagmumulan siya. ‘yung reason kung bakit siya ganoon towards Betty and her family.
“Dahil all her life, ang inakala niyang pagmamahal na makikita niya sa kanilang pamilya, sa character ko makikita but in one way or another they failed my character,” sey pa ni Christian.
Ang “Drag You and Me” na idinirek ni JP Habac ay nagtatampok kina Romnick Sarmenta, KaladKaren Davila, Ice Seguerra, Jon Santos, Cris Villanueva, Albie Casiño, Lance Carr, PJ Endrinal, Jeric Raval, Amy Nobleza, Noel Comia Jr., at Yves Flores kasama ang real-life drag queens na sina Brigiding, Viñas Deluxe, Xilhouete, at Precious Paula Nicole, pati ang special guests na sina Flor Bien Jr. at Rico Reyes mula sa Home from the Golden Gays.
Magsisimula na ito sa Hunyo 2 sa iWantTFC app (iOs at Android) o website.
Christian Bables imposibleng ma-in love sa bading: My preference ay hindi po same sex…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.