Kapuso youngstar Dustin Yu hinipu-hipuan ng pulis sa MRT

Kapuso youngstar Dustin Yu hinipu-hipuan ng pulis sa loob ng MRT

Ervin Santiago - September 24, 2024 - 12:10 AM

Kapuso youngstar Dustin Yu hinipu-hipuan ng pulis sa MRT

Dustin Yu

 

Trigger Warning: Mention of ‘panghahalay’, ‘panghihipo’

NABIKTIMA rin pala ng panghahalay ang Kapuso youngstar at Sparkle artist na si Dustin Yu na nangyari raw sa loob mismo ng MRT.

Isang lalaking naka-uniform daw ng pang-pulis ang nanghipo sa kanya habang nakasakay sa tren ng MRT, ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Binalikan ito ni Dustin nang ipaalala sa kanya ng press sa naganap na “Regal Legacy” event nitong nagdaang Sabado, September 21, sa Valencia Events Place, Quezon City.

Baka Bet Mo: Korean producer puring-puri ang Pinoy version ng ‘Start-Up’, bumilib sa loveteam nina Alden at Bea

Kuwento ng binata, first time raw niyang sumakay noon sa MRT taong 2019 at talagang siksikan sa loob ang mga pasahero.

Sa pagkakatanda niya, nakahawak daw siya sa handle ng tren at may isang “pulis” na nakatabi sa kanya. Bigla na lang daw pinasok ng lalaki ang kamay nito sa kanyang bulsa at hinipu-hipuan siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dustin Yu (@dustinyuu)


“Nangyari nu’n, sumakay ako ng MRT, first time ko. Tapos yung dalawang kamay ko, nakasabit sa sabitan. Tapos parang may pulis na…pulis talaga, naka-uniform. Pinasok niya yung kamay niya sa bulsa ko.

“So ako, nanginig ako. Kasi parang pulis ka, tapos bata pa ako, talagang kinapa-kapa niya yung private part ko. So sobrang tagal kong nag-recover du’n sa experience na yun. Siguro, one and a half year,” aniya.

“Nanginig ako. Saka masikip kasi, yung dalawang kamay ko, nakasabit. Sobrang sikip,” ani Dustin.

Wala raw nagawa si Dustin nang mga oras na yun hanggang sa makalabas na siya ng MRT. Sinubukan pa raw niya na kunan ng litrato ang nanghalay sa kanya pero hindi na nkya nagawa sa sobrang panginginig ng kanyang katawan.

Natanong ang aktor ng colleague at kaibigan nating si Gerry Olea kung bumalik ba ang eksenang yun sa kanyang isipan matapos lumantad ang kapwa Sparkle artist na si Sandro Muhlach at isumbong ang panghahalay umano sa kanya ng dalawang independent contractors ng GMA?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dustin Yu (@dustinyuu)


“Ah, ngayon lang, ngayon ko lang naisip. Pero dati, hindi. Hindi masyado. Kasi, to be honest, ha, masyado akong occupied these past few months.

“So yung kay Sandro, nabalitaan ko naman siya for sure. Siyempre, na-feel ko. Hindi ko rin alam ang buong kuwento, pero na-feel ko rin talaga, sana lang, hindi totoo,” aniya.

Sey pa ni Dustin, “Yun talaga, kapag nandu’n ka na sa moment na yun, maninigas ka na lang talaga. Hindi mo alam ang gagawin mo. Yun ang nangyari sa akin.”

Hindi na raw nagawang i-report sa pulis ni Dustin ang panghihipo sa kanya ng naturang pulis, “May date kasi ako nu’n, saka bagets pa ako nu’n. Tsaka, aaminin ko naman, natakot ako nun, e.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero kung nangyari raw sa kanya ngayon ang ginawa ng lalaki, “Siyempre ipaglalaban ko na ang sarili ko. Alam ko na yung dapat at mali, saka ngayon natuto na ako du’n. Hindi ko na hahayaan yun na mangyari.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending