Andrea Brillantes, Ogie Diaz nagkabati na matapos magkainitan sa isyu ng 'suguran sa dressing room' | Bandera

Andrea Brillantes, Ogie Diaz nagkabati na matapos magkainitan sa isyu ng ‘suguran sa dressing room’

Reggee Bonoan - April 27, 2022 - 05:12 PM
Andrea Brillantes, Ogie Diaz nagkabati na matapos magkainitan sa isyu ng 'suguran sa dressing room'

ALL’S well that ends well na ang drama nina Ogie Diaz at Andrea Brillantes nang magkita sila sa backstage ng campaign rally nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan kamakailan.

Matatandaang nagsabi si Andrea na magdedemanda siya dahil sa ikinalat na balita ni Ogie sa “Showbiz Update” YouTube channel nila ni Mama Loi kasama si Tita Jegs na sumugod siya sa dressing room ni Francine Diaz na hindi naman daw totoo.

Bungad kuwento ni Ogie, “Sa pambihirang pagkakataon ay nagkita po kami ni Andrea Brillantes. Actually, hindi kami unang nagkita, sila ni Loi.”

Iisa lang daw ang dressing room ng mga artista sa ginanap na campaign rally kaya sama-sama silang lahat doon.

“Nakita ko sa aking peripheral (vision) ang pagdating ni Andrea, sabi ko sa loob ko, ‘babatiin kaya ako ng batang ito?’ E, tapos dumaan lang, so hayaan mo na kung ayaw niya akong batiin. E, ako naman pag binati ako, babatiin ko rin kung hindi wa!” kuwento ni Ogie.

Dagdag pa, “Nakakatuwa ‘tong batang ‘to kasi lumapit sa akin.”

Ipinakita sa vlog ang pagyakap nina Andrea at Ogie sa isa’t isa sabay pakita ng video.

Tumatawang sabi ni Andrea na nagpaalam daw siya sa handler niya, “Ate magha-hi lang ako do’n sa nagpakalat ng video na nanugod daw ako. Ha-hahaha!” Tawang-tawa rin si Ogie sa narinig.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

 

Sabi ulit ni Andrea, “Hindi po ako galit. All love po tayong lahat.  Walang galit (sabay yakap kay Ogie).”

At dahil masaya ang dalaga at hindi nakitaan ng bitterness kaya sabi ni Ogie, “Pag ganyan, masaya ang puso. Pag masaya ang puso mo walang galit sa puso mo.”

Dagdag pa ng vlogger-talent manager, “Hayan ha, hindi siya galit sa akin.”

“Sinabi ko lang ‘yun para rin ma-clarify lahat. Hindi po talaga (nanugod). Ang nangyari po nag-call lang kami pero wala pong sugod na nangyari. Meron namang mga CCTV tulad ng mga sinabi ko no’n. Puwede talaga akong maglagay ng proof.

“Pero may nagti-tweet na meron daw siya (proof), sabi ko, ilabas mo.  Matapang ka, e. Go!  Pero wala silang malalabas, wala talaga,” natatawang kuwento ng dalaga.

Ito rin ang reaksyon ni Ogie na tawa nang tawa kay Andrea at sabay sabing, “Kung na-hurt ko man si Andrea sa aking pagbabalita, I am sorry, ‘no?”

Say naman ng aktres, “Naiintindihan ko din naman kasi trabaho n’yo rin naman ‘yun. Although na-depress po talaga ako pero okay lang ‘yun. Ha-hahaha! Pero matagal na, naka-move on na po ako. Saka naintindihan ko naman ‘yun saka nawalan din naman tayo ng contact nu’n.”

At nagbalik-tanaw si Ogie na noong kaarawan ng panganay niyang si Erin ay nandoon si Andrea at pinagbigyan nito lahat ng gustong magpa-picture sa kanya.

Bago natapos ang pag-uusap ng dalawa ay muling yumakap ang aktres kay Ogie.

Oo nga, masaya nga si Andrea ngayon, mukhang magaling mag-alaga ang boyfriend niyang si Ricci Rivero, huh!

* * *

Nahaharap sa unang double eviction ang teen housemates na sina Dustine Mayores, Eslam El Gohari, Gabb Skribikin, Luke Alford, at Stephanie Jordan matapos mapabilang sa listahan ng mga nominado sa “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition.

Nakakuha ang limang teen housemates ng pinakamaraming puntos sa ginawang harapang nominasyon na nagpataas ng tensyon sa loob ng bahay ni Kuya. Nanguna si Luke na may 10 puntos, Eslam na may 5 puntos, Stephanie na umani ng 4 na puntos, at sina Dustine at Gabb na may tig-3 puntos.

Naging emosyonal naman si Gabb na piniling gamitin ang kanyang immunity pass para iligtas ang kapwa teen housemate na si Paolo Alcantara. Ligtas din sina Maxine Trinidad at Rob Blackburn matapos magwagi sa isang hamon para sa immunity.

Samantala, tuluyan nang lumabas sa “PBB” ang “Shy Dreamboy ng Quezon City” na si Ashton Salvador noong Linggo (Abril 24). Nakakuha si Ashton ng 12.38 percent na boto laban sa 13.56 percent ni Stephanie at 28.84 percent ni Rob na laging napapabilang sa mga nominado. Ligtas din matapos makuha ang 17.31 percent na boto si Paolo na isang beses pa lang nalagay sa alanganin.

Naging matagumpay naman ang housemates sa kanilang weekly task, kung saan sumalang sila sa midterm at final exams tungkol sa kasaysayan ng bansa.

Mismong ang tanyag na historian pa na si Ambeth Ocampo ang nagsilbing tour guide ng housemates sa isang museo, kung saan mas natuto sila tungkol sa mga mahahalagang aral ng nakaraan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dahil dito, maraming netizens ang pumuri sa housemates na natumpak ang mga sagot. Humanga rin ang Twitter users sa pagsasapuso ng housemates sa naging weekly task at maging sa kanilang ipinakitang teamwork.

Abangan naman ngayong linggo ang mga talentong ipamamalas ng housemates sa kanilang summer concert sa pagpapatuloy ng “PBB Kumunity Season 10” Teen Edition, kung saan papasok ang SB19 at MNL48 sa “PBB” upang gabayan ang teen housemates.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending