Rochelle minura ng netizen dahil sa ipinakitang akting sa ‘Pulang Araw’
Trigger Warning: Mention of rape
MARAMING napamura at napanganga sa ipinakitang akting ni Rochelle Pangilinan sa mga nakaraang episode ng Kapuso primetime series na “Pulang Araw.”
Napanood ko rin ang naturang episode kung saan nagmamakaawa ang karakter ni Rochelle na si Amalia sa mga sundalong Hapon na pinipilit siyang ikulong sa kuwarto para gahasain.
At in fairness, iyon na yata ang pinaka-intense at nakagagalit na eksenang napanood namin sa karakter ng Kapuso actress, lalo na yung wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin ang kanyang masaklap na kapalaran dahil wala siyang kalaban-laban.
Ibinahagi ng actress-dancer sa kanyang Instagram account ang naging comment ng isang viewer na talaga namang naapektuhan sa napanood na eksena.
“Hi Rochelle. Gusto ko lang murahin ka sa napakagaling mong pagganap sa Pulang Araw. T*ng inaaaaaa! Iba ka,” ang mensahe ng netizen sa Kapuso star.
View this post on Instagram
Reply naman sa kanya ng aktres “KALMAAA!” Naiintindihan naman daw ni Rochelle ang nakakalokang reaksyon ng mga netizen sa kanyang eksena dahil kahit daw siya ay apektado sa ginawang intense scene.
Pero sey ni Rochelle, “Inappropriate ‘yung words pero naiintindihan ko kasi sabi nga ng iba ang hirap hanapin ng salita para idescribe ang hirap at pasakit na dinanas ng ating mga kababayan nung panahon ng Hapon!”
“Patuloy po kayong sumubaybay sa Pulang Araw! Marami pang mas mabibigat na eksena na talaga namang mapapamura kayo!” dugtong ng aktres.
Narito pa ang ilang reaksyon ng mga manonood sa napakahusay na pagganap ni Rochelle.
“Sobrang galing tlaga ..kinabahan mo Ako at muntik ng mapaiyak.”
“Level up acting ni Lodi dito. Kasaklap pala tlga ng pinagdaanan ng mga pilipino nung araw.”
“Sobrang proud po aq sau knna hbng pnpnood po kau hbng kmi ng uusap while watching kau ang png uusapan po nmin n sobrang gnda bait at galibg niyo po.”
“Grabe ka dito pang best actress ang atake.”
“Nakakaiyak to grabe at nakakatakot nung ilang lalaking hapones yung pumasok sa kwarto, diko kinaya yun.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.