Claudine humiling ng dasal para sa inang may lupus, 1 week na sa ospital
HUMILING ng dasal ang aktres na si Claudine Barretto para sa pinagdaraanang health problem ng kanyang inang si Inday Barretto.
Ayon kay Claudine, mahigit isang linggo na raw naka-confine sa ospital ang kanyang nanay na 87 years old na ngayon. Rebelasyon ni Clau, na-diagnose ng lupus ang ina.
Ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account ang ilang litrato nila ng ina kasama ang kapatid na si Jay-Jay Barretto na kuha sa loob ng hospital room sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig City.
“Mom we luv & need u dearly. Pls get well soon. Palanggas pls pray for my Mom,” simulang caption ni Claudine sa kanyang IG post.
Baka Bet Mo: Trina Legaspi humiling ng dasal para sa mga kapamilya na tinamaan ng COVID-19
Aniya pa, “More than a week na sya sa hospital & is 87years old with lupus. I need all your prayers pls.
“She is the only parent i have left. I have been checking & taking care of her together with my kuyas Mito & @jjbarretto my Ate Michie & sister in law connie,” mensahe pa ni Claudine.
Bukod sa kanyang nanay, nakiusap din si Clau sa kanyang mga IG followers na ipagdasal din siya partikular na ang kanyang kalusugan.
View this post on Instagram
“Isama nyo na rin po ako sa prayers nyo. I havent been eating & i’m down to 97 pounds & i haven’t been sleeping. God bless you all & your families as well,” lahad ng aktres.
Nitong nagdaang linggo unang nagbigay ng update si Claudine tungkol sa karamdaman ng ina sa pamamagitan din ng social media. Nag-post din siya mga litrato nila ni Mommy Inday na kuha rin sa ospital.
Last March, 2024 ay isinugod si Mommy Inday sa ospital matapos mahulog sa escalator ng isang shopping mall sa Taguig City.
Sumakabilang-buhay ang tatay nina Claudine na si Miguel Barretto noong 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.