Marjorie nilaglag ni Inday Barretto: I’m in shock… learn to tell the truth!

By Ervin Santiago November 04,2019
share this

Marjorie nilaglag ni Inday Barretto: I’m in shock… learn to tell the truth!

By Ervin Santiago November 04,2019
share this

MARJORIE BARRETTO

NILAGLAG na rin si Marjorie Barretto ng sariling ina matapos itong mag-post sa Instagram ng tungkol sa “baka masapak ko” viral video na mainit pa ring pinag-uusapan sa social media.

Ibinuking ni Claudine Barretto na ilang beses na raw tinangkang saktan ng kapatid ang kanilang inang si Inday at isa nga sa ebidensiyang magpapatunay dito ay ang video kung saan mapapanood si Marjorie na kausap ang mga anak.

“We’re leaving Dad. Super drama to death si Inday. Baka masapak ko. Sapakin mo nga para sa akin,” maririnig na sabi ni Marjorie sa video. Pero mariin niya itong itinanggi at sinabing hindi niya magagawa yun sa kanyang ina.

Walang kaalam-alam sa viral video si Inday hanggang sa mapanood niya ito nito lang nakaraang araw. Kaya aniya, kaya pala binisita siya nina Marjorie sa bahay ay para gawing “damage control” sakaling kumalat na ang video.

Bagamat naka-private ang account ni Inday Barretto (@barrettoestrella), may mga nakapag-screenshot pa rin ng mensahe nito na patungkol nga sa pinagsasasabi umano ni Marjorie sa kanya.

“I am the Inday Marjorie was referring to after a big fight in the hospital about the Subic home we own. im in shock & in so much pain as a mother.

“i just learned about the video & my heart breaks. Marjorie Claudine said everyhting, pls don’t drag my name Marjorie. didnt know you were doing DAMAGE CONTROL BY USING ME.

“Learn to tell the truth & nothing but the truth,” pahayag pa ng nanay ng Barretto sisters.

Ngunit ilang sandali lang ang lumipas ay deleted na ang post sa Instagram Story ni @barrettoestrella. Wala ng post ma makikita sa nasabing IG account na may 1,800 followers.

Pero sa Instagram account ni Claudine, naka-post na rin ang screenshot ng IG Story ni @barrettoestrella, at kinumpirma sa kanyang caption na mula nga ito sa kanilang ina.

“Nagsalita na ang Mommy (thumbs up emoji) @gretchenbarretto the Truth will always Prevail,” ang sabi ni Claudine.

Wala pang ospisyal na pahayag si Marjorie tungkol dito. Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ng nanay ni Julia Barretto at ng iba pang sangkot sa issue.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending