True ba, Ken Chan nabaon daw sa utang dahil sa dyowa?
IBINEBENTA na pala unti-unti ng aktor na si Ken Chan ang kanyang mga property para maayos ang kasalukuyan niyang problema.
Matatandaang nasulat namin dito sa BANDERA noong Setyembre 12 na may arrest warrant ang aktor base sa report ni Ogie Diaz sa vlog nilang “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh.
Base rin sa ipinakitang dokumento sa vlog nina Ogie ay kinasuhan umano si Ken Chan ng syndicated estafa kasama ang incorporators sa kanilang kumpanya.
Anyway, base sa update ni Ogie kagabi ay may nakapagsabing ibinebenta na ng aktor ang lupa niya sa Tagaytay City.
“Mayroon akong nakausap, talagang pilit siyang nagbebenta ng properties niya. Kumbaga nakakakita pa rin ng silver linings,” say ni Ogie.
View this post on Instagram
Tanong ni Mama Loi, “So ‘yung pagbebentahan niya ng properties ay para harapin niya ‘yung mga binabatong mga isyu?”
“I think so! Kasi ‘yung isa binebentahan niya ng lote niya doon sa Tagaytay. Siguro ito ay para makabawas-bawas sa mga utang,” say ni Ogie.
Nabanggit din ng kaibigan ng aktor sa “SU” host, “Yung isang partner daw ni Ken Chan ang kumamkam, ‘yun daw ang kumuha ng most of the money sa investments mula sa mga investors.”
“Speaking of properties hindi ba niya kinokontak ‘yung mga pinaka-obligasyunan na, ‘sandali lang po, hinay lang po’ para alam nilang may ginagawa na pala siyang aksyon,” tanong ni Mama Loi.
Ayon naman daw sa nakausap ni Ogie ay mahaba na ang palugit na ibinigay kay Ken Chan.
“Kaya nga umabot na sila sa pagdedemanda. Kung ako kay Ken haharapin ko ito. Kung may mga kaibigan siyang puwede siyang pagkatiwalaan ulit ay puwede siyang manghiram para lang mawala na ‘yung mga demanda.
“At puwede ulit siyang magsumikap sa buhay hanggang maibangon niya ‘yung kanyang sarili,” pahayag ni Ogie.
Binanggit din na ang isa raw sa kapartner ni Ken Chan ay karelasyon daw niya.
“’Yun talaga ang itinuturo ng marami kung bakit nabaon sa utang si Ken Chan at kung bakit hindi naisoli ‘yung mga investments ng mga tao, sayang award winning actor pa naman si Ken Chan masisira lang ng ganyan,” kuwento ni Ogie.
Dagdag pa, “Nagdurugo ang puso ko kasi kilala ko namang mabait na bata ito pero ‘yung makakarinig ka ng ‘totoo ‘yan Tito Ogie , totoo ‘yan Mama Ogs na talagang pinagtaguan na kami ni Ken Chan kaya nag-class suit (class action) na kami.
“Ang mga inilalabas niya sa Instagram ay okay siya. Nagpo-post siya na okay siya at may mga pizza pa, may isa pang troll doon na may kinakain. Siguro gustong mapanatag ni Ken Chan ang mga fans na okay siya kaya siya nag-post,” sabi pa ni Ogie.
Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Ken Chan o ng kampo niya tungkol sa isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.