Ai Ai ayaw makasama sa prod number si Chloe: Basta ayoko lang!

Ai Ai ayaw makasama sa prod number si Chloe, nanindigan para kay Angelica

Ervin Santiago - September 16, 2024 - 12:10 AM

Ai Ai ayaw makasama sa prod number si Chloe, nanindigan para kay Angelica

Ai Ai delas Alas, Chloe San Jose at Angelica Yulo

AMINADO si Ai Ai delas Alas na tulad ng karamihan ay hindi rin niya alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa pamilya ni Carlos Yulo.

Tulad ng halos lahat ng mga netizens, nagre-react lang siya sa mga nababasa at napapanood sa mga legit media and news organization.

Ang talaga raw ikina-shock ng Kapuso star ay nang sabihan o palabasin ni Carlos na magnanakaw ang kanyang inang si Angelica Yulo.

“Hindi ko naman alam kung totoong sinabi niya yun e, kung ano yung nangyari. Yung sa akin lang, mga balita na nakikita ko, hindi naman yun lahat totoo yung nababasa natin sa TikTok, di ba?

Baka Bet Mo: Kahit hindi na magkaibigan…Ai Ai hiling pa rin ang paggaling ni Kris: God bless her

“Kung totoo, dapat yung word… du’n kasi ako nasaktan sa ‘ninakaw mo yung pera,’ hindi sasabihin dapat yun, yung ninakaw, magnanakaw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kasi, sinasabi ko kanina sa interview, ipinanganak ka pa lang, hindi mo na kayang bayaran sa nanay mo yun.

“Kaya wala kang karapatang sabihin na ‘ninakaw, magnanakaw.’ Hindi maganda yung word na yun. That’s a no-no!” ang pahayag ni Ai Ai nang makachikahan namin sa presscon ng “The Clash 2024.”

Aniya pa, “Kaya mga kabataan, huwag mong sabihin sa magulang niyo yan!”

Masaya rin niyang ibinalita na baka raw personal niyang puntahan si Angelica para makapag-collab sila habang nagla-live selling sa Facebook. Pumatok kasi ang ginawang online selling ni Angelica sa FB last week.

Baka Bet Mo: Ai Ai sa pagiging single mom noon: Isa ‘yun sa pinakamahirap na moment sa buhay ko!

Napanood daw ito ni Ai Ai kaya gusto niyang tulungan at suportahan ang nanay ni Carlos. Bibili rin daw talaga siya ng mga binebentang produkto ni Angelica.

Kuwento ni Ai Ai, “Kasi si Father Allan, yung best friend ko, kilala niya yung parang family friend nina ano.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sabi niya sa akin kanina, kate-text niya lang, ‘Hoy, nahanap ko na si Mommy!’ Nahanap na raw niya si Mommy Angelica, natawa talaga ako. Sabi ko, ‘Father, may presscon lang ako, wait lang,’” ani Ms. Ai.

“Sabi ko, saan na siya, puntahan natin si Mommy, dali! Mag-live selling tayo. Sasamahan ko siya. Magtinda tayo, Mommy, dali! At tatalakan ko yung mga hindi bumili. ‘Hoy, bumili kayo dito! Mga chuva!’

“Bongga yun, di ba? Collaboration kami sa live selling ni Mother!” excited na sabi ni Ai Ai.

Paliwanag ni Ai Ai, nais niya lang tulungan si Angelica, “Ayoko naman makialam sa kanila kasi sabi ko nga, hindi ko naman alam ang pinag-ugatan nila. Pero ako, Team Nanay talaga ako. Nakikisimpatiya ako du’n sa nanay kasi nga, dun sa mga nakikita at naririnig ko, e nanay kasi ako e.

“Alam ko kung anong pain ang dinadanas ni Mother, dahil dun sa mga salita at naririnig na binibitaw sa kanya… pinupukol pala, sorry. Kahit away-awayin nila ako, Team Nanay talaga ako,” sabi pa niya.

Sa tanong kung game ba siyang makasama ang dyowa ni Carlos na si Chloe San Jose sa isang production number sakaling mag-guest ito sa mga show ng GMA, “Ayoko!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ayoko! Basta ayoko lang. Ayoko nang i-elaborate! Tapos, aawayin ako ng mga bagets na kakampi niya,” ang ngumingiwing sabi ni Ai Ai.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending