Kahit hindi na magkaibigan...Ai Ai hiling pa rin ang paggaling ni Kris: God bless her | Bandera

Kahit hindi na magkaibigan…Ai Ai hiling pa rin ang paggaling ni Kris: God bless her

Ervin Santiago |March 14,2022
facebook
share this

Kahit hindi na magkaibigan…Ai Ai hiling pa rin ang paggaling ni Kris: God bless her

Ervin Santiago - March 14, 2022 - 04:19 PM

Ai Ai delas Alas at Kris Aquino

Ai Ai delas Alas at Kris Aquino

KAHIT hindi na sila maituturing na magkaibigan, hinihiling at ipinagdarasal pa rin ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas ang paggaling ni Kris Aquino.

Alam ng Kapuso actress at TV host ang pinagdaraanang pagsubok ngayon ng dating kaibigan sa kalusugan nito kaya naman hangad niya ang pagbuti ng health condition nito.

Nakatakdang lisanin ng Queen of All Media ang Pilipinas para  makapagpagamot sa ibang bansa para sa kanyang autoimmune condition. Makakasama rin niya sa paglipad abroad ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.

Sa comment section ng isang Instagram post ni Ai Ai, may netizen na nagtanong sa veteran comedienne kung ano ang masasabi niya sa kinakaharap na mga sakit ni Kris.

“Makikimaritesss habang di busy, ano pong masasabi niyo Ms. Ai sa pagkakasakit ni Kris na dati mong friendship?” ang diretsahang tanong ng isang IG follower ni Ai Ai.

Ang maikling sagot ng komedyana, “I hope gumaling na siya…God bless her.”

Alam naman ng publiko na super close noon sina Ai Ai at Kris at nakagawa rin ng ilang projects together sa ABS-CBN. Ngunit taong  2014 nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


Ang chika, nagsimula ang lahat ng hindi makarating si Kris sa burol ng nanay ni Ai Ai. Nang muling magkita sa kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong December, 2014 ay nagkausap naman sila at nagkabati ngunit hindi na bumalik ang dati nilang samahan.

“Yun na ‘yon, nagkabati na kami. Pero siyempre, iba na ngayon. Dahil unang-una, hindi na kami roommates, magkapitbahay na lang kami.

“Kasi nandito na ako (sa GMA), nandoon pa siya (sa ABS-CBN). Ganu’n naman yun, e. Hindi naman lahat ng tao ano, ‘di ba?

“Minsan kasi, meron na tayong kanya-kanyang priorities. Ako kasi, priority ko to be happy, ayoko na yung may mga may kaaway, ayoko na yung may mga negativity,” sabi ni Ai Ai sa panayam sa kanya noon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At nang tanungin nga siya kung kino-consider pa rin niyang kaibigan si Kris, “A friend? Ha-hahaha! Hindi nasagot! Siguro ano na lang, a former friend and a former roommate.”

Ai Ai, Gerald tuloy na ang pagtira sa US; balak ding magbuntis sa pamamagitan ng surrogacy

Ai Ai sa pagiging single mom noon: Isa ‘yun sa pinakamahirap na moment sa buhay ko!

Trina Legaspi humiling ng dasal para sa mga kapamilya na tinamaan ng COVID-19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending