2 GMA contractors ‘di inabuso si Sandro, naghain ng joint counter-affidavit
PORMAL nang naghain ng kanilang joint counter-affidavit ang dalawang GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz laban sa akusasyong inabuso nila ang Sparkle artist na si Sandro Muhlach.
Ngayong araw, September 12, dumulog ang dalawa sa Department of Justice (DOJ) para sa preliminary investigation sa kasong rape na inihain niya laban sa dalawa.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maghaharap sina Sandro, Jojo, at Richard buhat nang magsimula ang isyu ng umano’y pang-aabuso na naganap matapos ang GMA Gala night noong July 21.
Ayon sa ipinasang counter-affidavit nina Jojo at Richard ay wala namang ebidensya na nagtuturo na ni-rape nila ang baguhang aktor.
Baka Bet Mo: Sandro dumalo sa sexual harassment seminar ng GMA; nagkahiyaan sa Q&A
View this post on Instagram
“There is nothing in the testimonial evidence of the complainant which states of any allegation that a penis or object/instrument was inserted in his mouth or anal orifice,” saad nina Jojo at Richard tungkol sa inihaing reklamo sa kanila ni Sandro.
Dagdag pa nito, “That complainant alleged that tongue is considered as an object or instrument. However, jurisprudence declared that for tongue to be considered as object or instrument, it must be inserted into the genital or anal orifice of the alleged victim.”
Inilabas rin ng abogado nina Richard at Jojo na si Atty. Maggie Garduque bilang documentary evidence ang naging resulta ng medico legal ni Sandro bilang suporta sa kanilang claim na walang sekswal na pang-aabusong nangyari taliwas sa naunang reklamo ng aktor.
Bukod pa rito, ang negatibong resulta rin ng drug test ni Sandro ay taliwas rin sa nauna nitong claim na pinilit siyang gumamit ng droga bago ang insidente.
“This means na during the time na nasa kwarto siya, wala pong restraint. ‘Yun po ang gusto namin patunayan,” sabi pa ni Atty. Garduque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.