Ticket price ng BINI ikinumpara kay Olivia Rodrigo, fans rumesbak

Ticket price ng BINI ikinumpara kay Olivia Rodrigo, BLOOMS rumesbak

Therese Arceo - September 11, 2024 - 05:13 PM

Ticket price ng BINI ikinumpara kay Olivia Rodrigo, BLOOMS rumesbak

HINDI napigilan ng isang netizen na ikumpara ang presyo ng concert tickets ng BINI sa Filipino-American singer na si Olivia Rodrigo.

Matatandaang nitong Martes, September 10, inilabas na ang presyo ng concert tickets ni Olivai kung saan nagkakahalaga lamang ito ng P1500.

Agad ngang nag-trending sa X (dating Twitter) ang pasabog ni Olivia dahil talagang unexpected ito lalo na at isa siyang foreign superstar.

Baka Bet Mo: Presyo ng concert ni Olivia Rodrigo abot-kaya, Pinoy fans nagpiyesta

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kasabay ng pag-trending ni Olivia ay ang pagsulpot rin ng pangalan ng nation’s girl group na BINI.

Parehas na magko-concert ang dalawa ngayong taon ngunit ang punto ng netizen sa social media ay mas abot-kaya pa ang concert ng Fil-Am singer-songwriter kesa sa naturang girl group.

“kinda finding it amusing na mas affordable pa tickets kay olivia rodrigo kaysa sa [redacted],” saad ng isang netizen.

Bagamat hindi binanggit ng naturang X user ang pangalan ng BINI ay makikita naman sa replies ang pagtatanggol ng BLOOMS sa kanilang sinusuportahang grupo.

“Iba po kasi purpose ng con ni Olivia here sa PH (PH alone). Di po for revenue purposes. Para lang to fund yung foundation nya (charity purposes). Kaya di po sya comparable sa normal na concert prices. Kaya di po dapat kinocompare sa prices ng ibang artists,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “You’re not paying just for the concert of BINI itself but you’re paying for all the hard work and time they sacrificed to give you that kind of performance.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tama na atecco, tapos na yung issue nayan, hwag na ibalik. Sold out na 3 consecutive days, hindi pa rin kayo tapos sa usaping yan. Alam niyo bang pwedeng apektado rin bini dyan kasi sa kanilang concert yun? Gets na management pinaparinggan niyo, pero damay din bini dyan,” sey naman ng isa.

“As someone na nagtatrabaho sa ticket industry comparing bini and olivia is very unnecessary. If sasabihin ko dito tunay na reasons mawawalan ako ng work, look at the numbers not on the artist. And in addition secondary marketplace yung site nung kay Olivia I love both of them,” hirit naman ng isa.

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag o reaksyon ang BINI hinggil sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending