Olivia Rodrigo, Louis Partridge magdyowa na nga ba?

Olivia Rodrigo, Louis Partridge magdyowa na nga ba?

Pauline del Rosario |November 02,2023
facebook
share this

Olivia Rodrigo, Louis Partridge magdyowa na nga ba?

Pauline del Rosario - November 02, 2023 - 12:52 PM

Olivia Rodrigo, Louis Partridge magdyowa na nga ba?

Olivia Rodrigo, Louis Partridge

USAP-USAPAN ang bagong lovelife ng Filipino-American singer at actress na si Olivia Rodrigo.

Ayon sa mga ulat, currently dating sina Olivia at ang “Enola Homes” star na si Louis Partridge.

Kumakalat sa social media ang ilang litrato ng paparazzi na spotted na magkasama ang dalawa sa London.

Makikita sa pictures na masayang-masaya ang dalawa habang nakapalupot pa ang mga braso nila sa isa’t-isa na naglalakad papunta sa isang venue.

Si Olivia ay nakasuot ng red top at black skirt, habang si Louis naman ay nakasuot ng yellow shirt at tan pants.

Baka Bet Mo: Olivia Rodrigo, BTS V nagpasabog ng kilig sa 2022 Grammy Awards; ‘Filipina’, ‘Traitor’ trending

Ayon sa US media outlet na “The US Sun,” last week pa nang lumipad patungong London ang singer upang maka-bonding ang British actor.

 “Olivia flew to London with her best pal, singer Conan Gray, but it was Louis who she came to see,” sey ng isang source na ibinalita ng The Sun.

Naikuwento pa ng source na nagkakilala ang dalawa sa pamamagitan ng kanilang common friends at madalas daw silang magka-chat recently.

“She has spent a few days in the capital hanging out with them all but it’s been Louis who she has been inseparable from,” sambit ng source.

Ibinunyag din nito na ilang beses nang nagkaroon ng dinner dates at night outs sina Olivia at Louis.

Kung maaalala, bago si Louis ay na-link si Olivia sa singer-songwriter at record producer na si DJ Zack Bia.

Anim na buwan silang nag-date noong 2022. 

Taong 2021 naman nang makipag-date siya sa film producer na si Adam Faze. 

As of this writing, wala pang pahayag o kumpirmasyon sina Olivia at Louis tungkol sa real score nilang dalawa.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sharon Cuneta hindi pinapasok sa Hermes store, namakyaw sa Louis Vuitton: I bought everything!

Bella Poarch hindi napigilan ang ‘pagkahumaling’ kay Joshua Garcia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending