Dominic Roque ibinandera ang sulat ng high school crush

Dominic Roque ibinandera ang sulat ng high school crush

Therese Arceo - September 10, 2024 - 11:30 PM

Dominic Roque ibinandera ang sulat ng HS crush

NAPABALIKTANAW ang aktor na si Dominic Roque sa kanyang kabataan matapos matagpuan ang mga naitagong handwritten letters mula sa mga taong naging parte ng kanyang buhay.

Sa kanyang Instagram stories ay ibinandera nito ang larawan ng love letter na natanggap niya mula sa kanyang high school crush.

“2003 first year high school,” saad ni Dominic sa kanyang IG story.

Dagdag pa niya, “Sulat ni crush nung high school.”

Baka Bet Mo: Dominic Roque ibinandera ang bagong tirahan: ‘Renting only’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Bago ang pagbandera ni Dominic sa love letter sa kanya ng high school crush ay nauna nanitong ibinahagi ang larawan ng mas maraming mga sulat na natanggap niya mula noong nag-aaral pa siya.

Mukhang nagkaroon ng time ang binata na mag-throwback sa mga ganap sa kanyang buhay dahil muli nitong binalikan ang mga masasayang la-ala noong high school pa lamang siya.

Chika ni Dominic, ang ila sa mga natabi niya ay mula sa kanyang mga kaibigan o mga nagdaang karelasyon.

Marami pa raw ang mga sulat o mga bagay na kanyang natanggap ngunit ang iba ay nawala na.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hilig kong mag sulat ng letters/love letters before for my love ones/past gfs. I’ve received a lot of letters too.. yung iba naitabi ko, yung iba nawala na,” lahad ni Dominic.

Dagdag pa niya,” Nun nag-aayos ako ng mga gamit nun naglilipat ako, nakita ko tong mga ito, nakakatuwa ding balikan yun mga nakaraan.”

Ikaw ba? Naitabi mo rin ba ang mga high school memories mo gaya ni Dominic?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending