Kyline nag-celebrate ng 22nd b-day sa New York kasama si Kobe

Kyline nag-celebrate ng 22nd b-day sa New York kasama si Kobe

Pauline del Rosario - September 06, 2024 - 01:20 PM

Kyline nag-celebrate ng 22nd b-day sa New York kasama si Kobe

PHOTO: Instagram/@itskylinealcantara

ENJOY na enjoy ang young actress na si Kyline Alcantara sa naging selebrasyon ng kanyang 22nd birthday.

Kasama niya kasi sa special day ang rumored boyfriend na si Kobe Paras at ina na si Rowena.

Sa Instagram Story, ni-repost ni Kyline ang isang video na makikitang na nag-dine in sila sa isang restaurant sa Big Apple sa New York City.

Kyline nag-celebrate ng 22nd b-day sa New York kasama si Kobe

PHOTO: Instagram/@itskylinealcantara

Baka Bet Mo: Kobe Paras na-‘friendzone’ nga ba si Kyline Alcantara: ‘Girlfriend agad?’

May IG Story post din si Kobe na ibinandera ang kanyang birthday message para sa rumored girlfriend.

Makikita ang solo picture ng birthday girl at ang simpleng mensahe niya: “HBD”, kalakip ang isang white heart emoji.

Kyline nag-celebrate ng 22nd b-day sa New York kasama si Kobe

PHOTO: Instagram/@itskylinealcantara

Bukod sa dinner, sinabi sa programang “24 Oras” na nanood din ng broadway musical na “Wicked” ang tatlo.

Nasa New York ang young actress dahil parte ito ng fashion week na gaganapin mula September 6 hanggang 11.

Magugunitang last month lamang nang ma-hot seat si Kyline sa panayam ng King of Talk na si Boy Abunda dahil sa ilang kontrobersyal na katanungan patungkol sa kanila ni Kobe.

Isa na riyan ang nag-viral na kandungan video ng rumored couple na ayon kay Kyline ay paraan niya ng pagsuporta sa basketball player.

Chika ng aktres, “Sa bahay po ‘yan ng super close friend ko na naging friend na rin po ni Kobe. Nandyan po ‘yung mga non-showbiz friends ko at nandyan din po ang aking mga magulang.”

“Inaasar po kasi namin si Kobe na kumanta siya, nahihiya po siya. So I was just there to support and I guess that’s my way of supporting him,” kwento pa niya.

Magugunitang pinagpiyestahan ng Marites sa socmed ang TikTok video na makikitang kumakanta si Kobe sa tila videoke session ng kanilang barkada habang nakakandong nga sa kanya si Kyline na kilig na kilig sa panghaharana sa kanya ng basketball player.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isang bahagi ng video ay hinalikan pa ni Kobe sa balikat ang aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending