Alice Guo ngiting-ngiti sa media, tumangging magpa-interview

Alice Guo ngiting-ngiti nang humarap sa media, tumangging magpa-interview

Therese Arceo - September 05, 2024 - 10:42 PM

Alice Guo ngiting-ngiti nang humarap sa media, tumangging magpa-interview

ALL smiles ang dismissed Bamban, Tarlac mayor na si Alice Guo nang humarap ito sa media matapos ang kanyang pagbabalik sa bansa galing sa Indonesia.

Matatandaang nitong Agosto nang mabalita na nakatakas na umano ang dating alkalde sa bansa at pumunta ito sa iba’t-ibang bansa para magtago.

Ito ay nangyari matapos mapatunayan sa imbestigasyon na si Alice ay nagpapanggap bilang isang Pilipino at ang katotohanan ay isa itong Chinese national at ang tunay nitong pangalan ay Guo Hoa Ping.

At sa muli nga nito pagbabalik sa bansa ngayong araw matapos maaresto ng Indonesian police ay nakangiti pa ito at tila masaya sa mga nangyayari.

Baka Bet Mo: Alice Guo arestado sa Indonesia, sasampahan ng patung-patong na kaso

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sinubukang tanungin ng reporter si Alice tungkol sa kung paano siya nakaalis ng bansa ngunit tumanggi itong magpa-interview sa media.

Ayon sa video na ibinahagi ng GMA News ay mapapanood na tinatanong siya kung sumakay ba siya ng “boat” o ng “plane”.

“Hindi po muna ako magpapa-interview,” saad ni Alice.

Muli siyang tinanong at sinabing kahit iyon lamang ang kanyang sagutin ngunit tumanggi pa rin ito.

“Thank you,”nakangiting sabi uli ni Alice na senyales na ayaw niyang sagutin kkung anuman ang ibabatong tanong sa kanya ng media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang unang naibalik sa Pilipinas ang kanyang kapatid na si Shiela Guo na kasama niya nang tumakas siya paalis ng Pilipinas.

Ito rin ang nagkuwento sa Senate hearing kung paano sila nakaalis ng bansa kung saan mula sa Tarlac ay sumakay sila ng van pagkatapos ay sumakay sila sa isang puting bangka pagkatapos ay muling lumipat sa malaking fishing boat. Matapos nito ay lumipat sila sa mas maliit na bangka na kulay green o blue hanggang makarating sila sa Malaysia.

Ngunit ayon kay Sen. Hontiveros, peke ang stamp sa pasaporte ni Shiela na nagsasabing pumasok sila sa Sabah, Malaysia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending