Carlos Yulo: Binigyan ako ni Lord ng mga taong magmamahal sa ‘kin
PATULOY ang pagpapasalamat ni 2024 Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo sa lahat ng taong naging daan para makamit ang inaasam na tagumpay.
Binalikan ni Carlos ang matitinding hamon, hirap at sakripisyo na pinagdaanan niya habang nagte-training siya bilang isang gymnast.
Nakausap ng ilang miyembro ng media, kasama ang BANDERA si Caloy sa naganap na mediacon kamakailan para sa turnover ng P5 million cash gift mula sa DigiPlus at Arena Plus at sa muli niyang pagpirma bilang brand ambassador na nasabing kumpanya.
Baka Bet Mo: Netizen viral na dahil sa P1k grocery hugot: ‘Ang hirap maging mahirap na Pinoy ngayon…’
“Worth it po lahat ng mga challenges na binigay sa ’kin ni Lord. And, super grateful po ako na binigyan niya ako ng ganu’ng opportunity na ma-challenge rin ‘yung sarili ko at siyempre, maalagaan ‘yung mental health ko,” pahayag ng binata nang tanungin tungkol sa hinarap niyang challenges as an athlete.
View this post on Instagram
“Nagpapasalamat din ako kay Lord talaga po na binigyan niya ako ng mga taong magmamahal sa akin at susuportahan ako sa mga ganu’ng event sa buhay ko kaya sobrang worth it po talaga na napagdaanan ko ‘yun.
“Hindi ako sumuko at masaya akong ginagawa ‘yung sport ko, and na-enjoy ko talaga ‘yung moments sa Paris and siyempre ‘yung pagkapanalo po talaga.
“Nag-backtrack po talaga lahat sa ’kin ng mga difficulties po na nangyari sa’kin and sobrang saya po ng feeling ko kasi na-overcome ko po lahat and sobrang kuntento po ako sa kung ano ‘yung na-achieve ko and sobrang grateful po talaga,” litanya pa ni Pinoy champ.
Inalala rin niya yung mga panahong gusto na niyang sumuko dahil sa nararanasang hirap, “Marami po, eh. Iba’t ibang competitions, iba’t ibang experiences and difficulties po.
Baka Bet Mo: Carlos Agassi nagka-freak gym accident: Kukunin ko pa lang ‘yung weights, nadulas na ako
“And ‘yung pinaka-isa po talaga is ‘yung sa Japan. Pumunta ako sa Japan, 2016. 16 years old po ako. Malayo sa pamilya, malayo sa lahat. Walang kakilala. Hindi alam ‘yung culture.
“Hindi alam ‘yung language, and hindi rin naman po ako ganu’n kagaling mag-English that time. And kahit marunong akong mag-English that time, hindi rin po sila marunong mag-English so ‘yung barrier po na ‘yun, nahirapan ako and sobrang shocked po ako.
“Mabigat po ‘yun para sa mga teenager na kagaya ko that time. And, syempre mahirap din po ‘yung training. Iba po yung training sa Pilipinas and iba po ‘yung naging training ko sa Japan,” kuwento ng binata.
View this post on Instagram
Patuloy pa niya, “Umabot na rin po sa point na na-depress ako and gusto nang mawala sa mundo talaga. Nagdasal po talaga ako that day and hindi kasi ako makatulog, and naiisip ko na mawala talaga. Nagdasal ako kay Lord hanggang sa nakatulog ako.
“The next day, medyo umokay na po pero hindi pa rin ‘dun natatapos talaga ‘yung challenges. Nandu’n pa rin ‘yung mga difficulties. Hindi talaga maiwasan.
“Pero may clarity po after kong mag-pray and when I wake up po, mas lively na ako ng konti. And ‘yun po, ‘yun ‘yung pinakapinanghawakan ko every time na nalulungkot ako, nagpepray po talaga ako,” pagbabahagi pa niya.
Samantala, nangako naman ang DigiPlus at ArenaPlus kay Carlos na tuluy-tuloy ang kanilang pagsuporta sa paglaban niya sa iba pang International sports competition.
“DigiPlus is immensely proud to support champions like Carlos, whose relentless pursuit of excellence embodies the spirit of the Filipino people,” ang sabi ni DigiPlus chairman Eusebio H. Tanco.
Sey naman ni Caloy, “I’m deeply grateful to them for celebrating this win with me, and recognizing my perseverance. Success does not come overnight–it is made possible with the support of those who believe in you.
“I’m honored to have incredible partners by my side as we chase dreams for the Philippines,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.