Yasmien binigyan ng 4-storey house ang inang may kidney disease
NIREGALUHAN ng Kapuso actress at celebrity mom na si Yasmien Kurdi ng bagong bahay ang kanyang inang si Miriam Ong-Yuson.
Ibinandera ni Yasmien sa social media ang itsura ng bonggang-bongga house and lot na ibinigay niya kanyang nanay na patuloy na nakikipaglaban sa iniindang karamdaman.
Sabi ng aktres, nais niyang maging “safe haven” ng ina ang nabili niyang bahay habang nagpapagaling ito sa chronic kidney disease.
Baka Bet Mo: Yasmien niregaluhan ni mister ng bagong sasakyan: Dream car ko talaga siya!
Sa Instagram reel ipinost ng Kapuso actress ang regalong bahay sa kanyang nanay. Nakuha raw niya ang nasabing property noong 2023 matapos ngang ma-diagnose ng chronic kidney disease si Mrs. Yuson.
View this post on Instagram
Naniniwala si Yasmien na malaki ang maitutulong ng bagong bahay para mas mapabilis ang pagbuti ng health condition ng kanyang pinakamamahal na ina dahil bukod sa maluwag na ang kabuuan nito ay presko pa.
Kuwento pa ni Yasmien, binili niya ang nasabing property, na may apat na palapag, dahil malapit din ito sa tinitirhan ng kanyang pamilya. Mas mabilis at mas madalas na raw niyang madadalaw at matse-check ang inang may sakit.
Baka Bet Mo: Willie niregaluhan ng bagong helicopter ang sarili: Pero para rin yan sa pagtulong natin
Inspired din daw ang style at konsepto nito sa isang farmhouse tulad ng bahay nila ng kanyang asawang si Rey Soldevilla at dalawa nilang anak. May garahe ito sa first floor at meron ding attic.
View this post on Instagram
“Bought this house for my mom last year noong na-diagnose siya ng CKD. Gusto kasi namin na malapit lang kami sa kanya para mapuntahan namin siya lagi at mabisita.
“Nagkataon din na may binebentang bahay na walking distance lang galing sa bahay ko.
“Kaya kami ni Raya, lagi naming pinupuntahan si Mama. Madalas ay hinahatiran din namin ng pagkain ng luto ko,” kuwento ng Kapuso actress.
Last year, ibinahagi ni Yasmien sa social media na sumailalim ang kanyang nanay sa hemodialysis sa National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City. Nabanggit din niya sa kanyang post na nangangailangan ng kidney donor si Mrs. Yuson.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.