Kate nahilo nang bongga nang pagtulungan nina Kyline at Roxie

Kate nahilo nang bongga nang pagtulungang saktan nina Kyline at Roxie

Ervin Santiago - September 03, 2024 - 06:15 AM

Kate nahilo nang bongga nang pagtulungan nina Kyline at Roxie

Kyline Alcantara at Kate Valdez

GRABE pala ang naranasan ni Kate Valdez sa isang intense na eksenang ginawa niya sa latest Kapuso series na “Shining Inheritance“.

Sabi ng dalaga, literal na dugo’t pawis ang puhunan niya para lang mapaganda at gawing makatotohanan ang bawat eksena na ipinagagawa ng kanilang direktor na si Jorron Lee Monroy.

Partikular na tinukoy ni Kate ang eksena kung saan pinagtulungan siya nang bonggang-bongga nina Kyline Alcantara at Roxie Smith, ang dalawang major, major kontrabida sa Pinoy version ng hit Korean series na “Shining Inheritance.”

Baka Bet Mo: Kate inatake ng nerbiyos habang kaeksena si Khalil bilang magdyowa sa ‘Love On Air’

“‘Yung isang trailer na may basura scene kami, grabe two versus one ‘yun, siguro almost an hour ‘yun namin kinunan. Nahilo talaga ako after, ganu’n pala ‘yung feeling na pinagtutulungan ka,” sabi ni Kate.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa grand mediacon ng serye ay nabanggit din ng Kapuso star na super thankful siya sa GMA dahil nabigyan siya ng chance na makatrabaho si Kyline, pati na ang veteran star na si Coney Reyes.

Sa kuwento ng “Shining Inheritance” ay ginagampanan ni Kate ang karakter ni Inna Villarazon, “Noong nalaman na kasama ko si Kyline sa project na ‘to, na-excite ako, honestly.

“Kasi nakasama ko na siya sa Black Lipstick, siya ‘yung lead namin doon. And na-excite ako dahil gusto kong tarayan niya ako, pahirapan niya ako, ganyan, and I’m thankful na ikaw ang Joanna (role ni Kyline) sa Inna ko.

“Nabuo ko si Inna dahil din kay Joanna, dahil sa kung paano binigyang-buhay ni Kyline ‘yung character ni Joanna. I’m really grateful and thankful na naka-work kita. I’m happy to be able to work with you,” sabi ni Kate habang nakatingin kay Kyline.

Baka Bet Mo: Coney Reyes kina Kyline at Kate: Basta mag-ingat, pahalagahan ang sarili

Sey naman ni Kyline, nabuo rin niya ang kanyang role na si Joanna De La Costa dahil kay Kate, “Just like what she said, nabuo ko rin si Joanna dahil kay Kate. Si Kate, she’s a thinking actress at nagbibigay siya sa eksena.

“Mahirap ‘yung eksena pero kung may ka-eksena ka na kasing galing ni Kate at nitong mga kasama po natin sa stage, nagiging madali ‘yung mahirap na eksena,” sabi ng rumored girlfriend ni Kobe Paras.

Paano nga ba pinaghahandaan nina Kate at Kyline ang kanilang mga intense confrontation scenes sa bago nilang afternoon drama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kate Valdez 🪬 (@valdezkate_)


“Yakapan muna po, pag-uusapan namin, ‘Tototohanin ba natin?’ Pero sa amin po kasing dalawa ni Kate, gusto talaga namin mas totoo para tagos na tagos sa screen ng ating mga Kapuso.

“Pero siyempre, aaminin ko naman po, may moments talaga na ‘di namin maiwasang magkasakitan. Pero kaming dalawa ni Kate, we’re really professional. So alam namin na trabaho ‘to,” sabi pa ni Kyline.

Kasama rin sa “Shining Inheritance” sina Ariel Rivera, Wendell Ramos, Glydel Mercado, Aubrey Miles, Roxie Smith, Gio Alvarez, Dave Bornea, Jamir Zabarte, Seth Dela Cruz, Charuth, Paul Salas at Michael Sager.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na ang “Shining Inheritance” sa September 9 sa GMA Afternoon Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending