Kate Valdez aminadong ‘inlababo’ kay Fumiya Sankai: Yes! Sobra!
MAY sagot na ang aktres na si Kate Valdez para sa mga naku-curious kung ano ang real score nila ng Japanese vlogger na si Fumiya Sankai.
Magugunitang nag-viral sa social media ang masayang pamamasyal nila sa Hong Kong Disneyland kamakailan lang upang ipagdiwang ang kaarawan ni Kate.
Nausisa ‘yan sa interview ng “24 Oras” at naikwento ng Kapuso actress na ito ang birthday gift sa kanya ni Fumiya.
“Ang [Disneyland] trip na ‘yun is a gift from him,” pag-amin niya sa panayam.
Chika ni Kate, “Gusto niyang i-spend ang special day ko with [him]. So tinanong niya ako kung ano ang gusto ko and I told him na parang gusto kong ma-experience ‘yung Disneyland.”
Baka Bet Mo: Netizens sa ‘real score’ nina Fumiya Sankai, Kate Valdez: ‘Sila na ba?’
Nang tanungin siya kung ano ba ang papel ni Fumiya sa kanyang buhay, ang sagot niya: “I’m very at peace when I’m with him and I feel like na parang kahit may problema, he’s there always talaga.”
Ang sumunod na tanong ay kung sila na nga ba ng dating housemate ng Pinoy Big Brother (PBB).
Ang sey lang ni Kate habang tumatawa, “Sobrang happy kami sa presence ng isa’t-isa.”
Pero inamin din niya na inlove na inlove siya kay Fumiya, “Yes! Yes, sobra!”
“And I’m happy and I’m grateful for him,” aniya pa.
Paano nga ba nagkakilala ang dalawa?
Ang kwento ni Kate, “Sa mga friends, ganyan. Tapos attending sa events kasi now he’s an artist na, he’s making songs and music. So umattend ako and then I met him, then ayun, tuloy-tuloy na po.”
Si Kate ay tampok sa upcoming Philippine remake ng hit K-Drama na “Shining Inheritance,” kasama sina Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Coney Reyes.
Si Fumiya naman ay sumikat matapos sumali sa “Pinoy Big Brother” noong 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.