Netizens sa ‘real score’ nina Fumiya Sankai, Kate Valdez: ‘Sila na ba?’
CURIOUS ang marami sa kung ano na ba ang tunay na relasyon ng aktres na si Kate Valdez at Japanese vlogger na si Fumiya Sankai.
Ito ay matapos ibandera ni Kate sa kanyang Instagram ang pamamasyal sa Hong Kong Disneyland upang i-celebrate ang birthday niya kasama si Fumiya.
“Thank you for making my birthday so magical and for making the kid in me feel so happy,” caption ng aktres na naka-tag ang dating Pinoy Big Brother housemate.
Baka Bet Mo: Ex-PBB housemate Fumiya Sankai inakalang hindi na siya kilala ng mga Pinoy pero shookt nang bumalik na sa Pinas
View this post on Instagram
Pati si Fumiya ay nag-post din sa sarili niyang IG account upang ibandera ang birthday message kay Kate.
“My first trip to Hong Kong was a lot of fun[emoji] Happy Birthday @valdezkate_,” wika niya sa post.
View this post on Instagram
Nag-reply naman diyan ang aktres at sinabing: “Arigatou fufu @fumi.japan [emojis]”
Dahil diyan, maraming netizens na ang umuusisa kung magdyowa na ang dalawa, habang ang iba ay kilig na kilig at natutuwa na luma-lovelife na si Fumiya.
Narito ang ilan sa mga komento nila:
“Sila ba? Gandang ganda ako sa girl na ‘to.”
“For real sila na??? Kung sila na nga grabeeee [happy face with heart eyes emoji] kakilig”
“Omg for me bagay!!!! [happy face with heart eyes emoji]”
“Finally Fumi!! Deserve mo yan. Wag puro work!!! [happy face with heart eyes emoji]”
“OMG fumi gulat mo ako [happy face with heart eyes emoji] Kilig ako sa inyo hihihi.”
“Wow finally gipo nakahanap ka na ng the one mo I’m happy for you fumi [red heart emojis].”
Si Kate ay tampok sa upcoming Philippine remake ng hit K-Drama na “Shining Inheritance,” kasama sina Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Coney Reyes.
Si Fumiya naman ay sumikat matapos sumali sa “Pinoy Big Brother” noong 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.