Coney kina Kyline at Kate: Basta mag-ingat, pahalagahan ang sarili

Coney Reyes kina Kyline at Kate: Basta mag-ingat, pahalagahan ang sarili

Ervin Santiago - September 02, 2024 - 12:45 AM

Coney Reyes kina Kyline at Kate: Basta mag-ingat, pahalagahan ang sarili

Coney Reyes, Kyline Alcantara, Kate Valdez at Michael Sager

NAIPAKILALA na nina Kyline Alcantara at Kate Valdez ang kanilang special someone sa kanilang nanay-nanayan sa showbiz na si Coney Reyes.

Si Coney ang gumaganap na lola ng dalawang Kapuso stars sa pinakabagong teleserye ng GMA 7, ang Philippine adaptation ng hit K-Drama series na “Shining Inheritance.”

Ibinuking ng award-winning veteran actress sa naganap na grand mediacon ng naturang family drama ang lovelife nina Kate at Kyline.

Baka Bet Mo: Kyline, Kate totohanan ang sakitan, pisikalan sa ‘Shining Inheritance’

Ayon kay Coney, nakita na niya ang rumored boyfriend ng kanyang mga “apo” sa taping ng “Shining Inheritance” dahil ipinakilala na raw sa kanya ang nga ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Walang pangalang binanggit ang aktres pero siguradong ang tinutukoy niya ay ang basketball player na si Kobe Paras para kay Kyline at ang dating “Pinoy Big Brother” housemate at Japanese actor namang si Fumiya Sankai for Kate.

Hindi pa raw nakakasama at nakakausap nang matagal ni Coney ang dalawang guys pero mukhang okay naman daw ang mga ito base ilang beses nilang pagkikita.

Binigyan din ng beteranang aktres ng advice sina Kyline at Kate, kabilang na ang tungkol sa love at pakikipagrelasyon.

Baka Bet Mo: Hirit ni Dina nang maghiwalay sila ni Vic: What can you do, virgin ako?!

“Kung masaya sila, e, di okay lang, ‘di ba? Basta sinasabi ko, mag-ingat lang sila. Pahalagahan nila ang sarili nila. ‘Yan lang ang masasabi ko,” payo ni Coney kina Kate at Kyline.

Reaksyon naman ni Kate sa love advice ni Coney, “Thank you, tita. Opo, tita. Noted po.”

Pahayag ni Kyline, “Alam naman po ni Tita Coney at marami naman po kaming mga usapan ni Tita Coney sa kaniyang dressing room.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Pinupuntahan ko po talaga si Tita Coney kasi iba talaga ‘yung wisdom po eh ni Tita Coney, ibang klase,” sabi pa ng dalaga.

Dagdag ni Kyline, mas naging close pa raw siya kay Lord nang dahil sa veteran star, “I’m just really thankful po for Tita Coney.

“Thank you for always looking out for us, for guiding us, for sharing your wisdom. You are very generous, Tita Coney. We all love you,” dugtong pa niya.

Nauna rito, nagsalita rin si Kyline tungkol sa estado ng relasyon nila ni Kobe Paras, “I feel like it’s my right to not answer or to answer questions, or to deny nor confirm anything.

“I don’t need to explain myself din naman po to other people. Whatever they see, that’s what they’re gonna get,” aniya pa.

Sa isang panayam naman sinagot ni Kate kung nagde-date sila ni Fumiya, “Basta sobrang happypo kami sa isa’t isa, sa presence ng isa’t isa.”

Samantala, mapapanood na ang “Shining Inheritance” sa GMA Afternoon Prime simula sa September 9, 4 p.m.. Kasama rin dito sina Michael Sager, Paul Salas, Aubrey Miles, Wendell Ramos at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang original “Shining Inheritance” ay pinagbidahan ng mga Korean stars na sina Lee Seung Gi, Han Hyo Joo, Moon Chae Won, at Bae Soo Bin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending