SB19 inialay sa A'TIN ang tagumpay: Kung wala sila wala rin kami

SB19 inalay sa A’TIN ang lahat ng tagumpay: Kung wala sila wala rin kami

Ervin Santiago - September 02, 2024 - 06:55 AM

SB19 inialay sa A'TIN ang lahat ng tagumpay: Ibang klase kayo!

SB19

INIALAY ng super P-pop group na SB19 ang kanilang back-to-back na bonggang achievement nito lamang nagdaang buwan sa kanilang mga loyal fans.

Lahat daw ng tagumpay na naabot at nakamit ng SB19 ay dahil daw sa suporta at pagmamahal ng kanilang supporters all over the world na mas kilala bilang A’TIN.

Nitong nakaraang linggo, muling pinasalamatan ng award-winning Pinoy group ang kanilang fans matapos silang magwagi sa 2024 Billboard Fan Army Face-Off, at makapasok saBillboard K Power 100 ng South Korea.

“Ibang iba support ng A’TIN. Talagang hindi sila natutulog. Talagang inaalay nila.

Baka Bet Mo: Frankie Pangilinan may pa-tribute song kay Sharon Cuneta: I can’t believe you’re my best friend!

“Hindi kami makapaniwala may ganong fan and artist relationship, yung nagawa namin in the past 5 years,” ang pahayag ni SB19 Stell sa isang interview.

Kasunod nito, inialay nga ni Stell sa  A’TIN ang mga natanggap na bagong recognition.

“Gusto namin kung ano pagmamahal ginawa nila, babalik nami. Super thankful and happy. Kung wala sila ‘di namin alam kung nasaan kami ngayon,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pero aniya, bukod daw sa mga parangal at titulo na ipinagkakaloob sa SB19, ang mas mahalaga pa rin daw ay ang pag-showcase ng Filipino pride.

Baka Bet Mo: Kyle Echarri inialay ang pagpirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN sa namayapang kapatid; Seth Fedelin hindi nagpatumba sa mga pagsubok

“Gusto ko rin ipalaganap yung culture ng Philippines. Nagsisimula na siya ngayon,” sabi ni Stell.

Pero siyempre, more than anything, itinataas ng grupo sa Panginoong Diyos ang lahat ng blessings at success na natatanggap ng kanilang grupo.

“Everytime meron kami international award or recognition, una namin pinapasalamatan si God.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi without God, hindi namin magagawa lahat ng ‘to or lakas ng loob. Pati families namin,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending