Psychic may nakakabiglang 'predictions' sa lang sikat na celebs

Psychic na si Jay may nakakabiglang ‘predictions’ sa BINI, SB19, ilang sikat na celebs

Reggee Bonoan - August 31, 2024 - 08:44 AM

Psychic na si Jay may nakakabiglang 'predictions' sa BINI, SB19, ilang sikat na celebs

Jay Costura, BINI, Vice Ganda, Kris Aquino, SB19

SA pagpapatuloy ng predictions ng tinaguriang Nostradamus of Asya na si Jay Costura ay marami pa siyang hinulaan na mga sikat na grupo at celebrities sa bansa.

Pang-apat na artistang tinanong ni Ogie ay si Daniel Padilla, “Nakikita ko na he’s out of the way at magpo-focus siya sa music industry and medyo tatamaan siya ng anxiety dahil may mga rejection sa kanya at nakikita ko na may part na mahirap siyang maka-move on pero he’s trying everything to bounce back at (pursuing) na makipagbalikan sika ni Kath. Napi-feel ko na mahal na mahal ni Daniel si Kath at si Kath ay hindi naman ganu’n kadaling bitawan and I can feel na nag-uusap ang dalawa.”

Ika-lima naman si Joshua Garcia, “Mananatiling King sa movie, napakagaling na bata at mag-ingat lang siya kasi may magpe-pretend na buntis at siya ang tatay, either this year o pagpasok ng taon (2025). So, mag-ingat-ingat si Joshua kasi may girl na mali-link sa kanya at ike-claim nu’ng girl na buntis siya.”

Pang anim naman si Kris Aquino, “I really admire Kris Aquino kasi napakalakas ng faith niya mahaba pa ang buhay ni Kris kasi marami ang nagdarasal sa kanya. Nakakatulong ‘yung acceptance niya na hindi siya natatakot mamatay at kung mawala man siya ay alam niyang ang daming taong puwedeng mag-alaga sa mga anak niya and in the sense ‘yung energy niya ang bumubuhay sa kanya at ang faith niya kay Lord.”

Baka Bet Mo: KimPau, KathDen, Gerald at Julia hinulaan ng psychic, ano kaya ang na-predict?

Pampito ang girl group na BINI, “Ang BINI naman ay nakaka-overwhelmed, pero mabilis sila ma-disband kasi overwhelmed sila sa kasikatan, sana huwag lumaki ang ulo nila pero ang mangyayari diyan ay selosan (dahil) kung sino ang magso-solo.  Simula ngayong taon (2024), The BINI will have 2 to 3 years and the BINI will have a big problem regarding pressure.”

Pang-walo ang SB19, “Magaling na K-pop group sa Pilipinas at nakikita ko naman na may mga issues with sexuality (at) may aamin sa kanila na hindi straight at kahit na may aamin ay wala naman akong nakikitang may crackdown ang grupo tulad ng nakikita ko sa BINI. sa (SB19) ay intact pa ang grupo nila.”

Ika-siyam si Coco Martin, “Sa nakikita ko kay Coco na pag nagtiwala siya sa‘yo ay buo pero ‘wag mong pakialaman ang buhay niya at sa nararamdaman ko ay masaya siya sa lovelife niya ngayon. At sa nakikita ko ay may ‘baby’ pa rin akong nararamdaman, so, may additional member of the family sa family ni Coco and hahatakin siya sa politics world.”

Mukhang ito ang malaking katanungan ng lahat dahil makailang beses nang tumanggi ang direktor/aktor/producer sa politika pero lagi nitong sinasabing hindi niya papasukin ito.

Tuloy ni Madam Jay, “’Wag na kayong magtaka kung makikita ninyong tatakbo si Coco (hirit ni Ogie -2025), yes.  May mga magta-try na kukunin siya at nakikita ko na aalukin siyang tumakbo bilang congressman at sa nakikita ko ay Coco has a power to lead kasi.”

Ika-sampu naman ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, “Nakikita ko na maganda ang pagsasama ng dalawa at handa na si Sarah to have a baby, ‘wag na tayong ma-surprise kung bago matapos ang taong ito o pagpasok ng taon ay magsasabi si Sarah na ‘she’s pregnant’.”

Si Anne Curtis naman ang pang labing isa, “Si Anne naman ay nakikita ko na maganda ang relasyon nila ni (Erwan Heussaf) at wala naman akong nakikitang pagdadaanan nila at patuloy pa ring mamayagpag ang career ni Anne.”

Baka Bet Mo: Xian Gaza sa Liza-Ogie issue: Ang nakikita lang nila ay ‘yung 10-20% mo bilang manager

Ikalabing-dalawa naman ang main host ng It’s Showtime na si Vice Ganda, “Nararamdaman ko na hindi siya talaga okay emotionally. Tapos siya rin ngayon base sa nakikita ko ay mayroon siyang physical sickness, so ibig sabihin ay may nararamdaman siya sa katawan niya madalas ang pagkahilo ni Vice at hindi rin siya nakakatulog ng maayos sa gabi, walang choice kasi si Vice kundi pumasok (show) at mag-work kasi gusto niyang magpasaya ng tao pero napi-feel ko ang kanyang kalungkutan.”

At nagulat si Ogie dahil nababasa ni madam Jay na maghihiwalay sina Vice at partner na si Ion Perez.

“Sa relationship nila ni Ion napi-feel ko ‘yung love nila pero handa si Vice na palayain si Ion pag nagdesisyon na itong bumuo ng pamilya na kasama ang babae,” seryosong saad ni Jay.

Salo ni Ogie, “What do you mean bumuo ng pamilya magkaroon ng sariling anak?”

“Yes po,” mabilis na sagot ni madam Jay.

Ika-labing-tatlo naman si Willie Revillame, “Marami na ring nararamdaman sa katawan si Willie, e, so sign of aging na rin ‘yun.  Si Willie kasi ang tipong hindi nagpapapigil kung ano ang gusto niyang mangyari na kaya niyang magpasaya ng tao kaya niya ginagawa pero nagiging negative ang response ng iba kasi ang emosyon niya ay hindi niya nako-control kahit on air siya. Nakikita kong hirap siya sa voice niya kaya baka magkaroon ng voice paralysis si Willie.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagdating naman sa mga shows tulad ng “It’s Showtime” at “Eat Bulaga “ay magtatagal pa at solido ang samahan ng Tito, Vic and Joey.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending