Jose Mari Chan nagwa-warm up na, sey ng netizens: Ayan na siya!

Jose Mari Chan ‘nagwa-warm up’ na, sey ng netizens: Ayan na siya!

Therese Arceo - August 31, 2024 - 05:04 PM

Jose Mari Chan 'nagwa-warm up' na, sey ng netizens: Ayan na siya!

SUNUD-SUNOD na ang mga entry ng madlang pipol sa muling pagbabalik ng isa sa mga Christmas icon ng Pilipinas na si Jose Mari Chan.

Kahit saang social media platform ka magpunta ay panay na ang pa-teaser ng netizens sa singer-songwriter dahil sa nalalapit na ber months.

Sa mga nakalipas na taon ay isa si Jose Mari sa mga senyales na nalalapit na ang Pasko.

Bakit?

Baka Bet Mo: Jose Mari Chan dapat na nga bang hiranging National Artist?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sino nga ba ang hindi nakakaalam ng mga awiting pam-Pasko ni Jose Mari na madalas kantahin ng mga bata at grupo ng mga nangangaroling bilang isa sa tradisyon tuwing Christmas season.

At dahil nga papalapit na ang simula ng ber months, kanya kanyang entry na ang mga tao sa pagbabalik ng singer-songwriter.

Narito ang ilan sa mga hirit ng madlang pipol.

“jose mari chan preparing for his comeback stage tomorrow,” saad ng isang netizen kalakip ang larawan ng singer na kita lamang ang kalahati ng mukha.

Comment naman ng isa, “Whenever I see boys and girls— ay bukas pa ba?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ber months na bukas. Maririnig na naman natin ang mga awitin ni Jose Mari Chan,” sey naman ng isa.

“Warm up lang. Malapit ka nang magpa-rebond,” post naman ng isa na may edited picture ng singer na nagwa-warm up.

Simula na ng Setyembre bukas. Dama mo na ba ang simoy ng Kapaskuhan? Paniguradong bukas na bukas, maririnig mo na sa kapitbahay, sa malls, sa daan, at sa iba pang pampublikong lugar ang mga awitin ni Jose Mari Chan lalo na ang “Christmas In Our Hearts”.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending