LPA posibleng mabuo sa bahagi ng Mindanao, magpapaulan sa weekend
KASALUKUYANG binabantayan ang “cloud clusters” o kumpul-kumpol na mga ulap na nasa silangan ng Mindanao.
Ayon kasi sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posible itong maging Low Pressure Area (LPA) at pumasok ng ating bansa.
“Hindi natin inaalis ang tiyansa na maging Low Pressure Area ito sa loob ng 24 oras at pumasok din ng ating PAR (Philippine Area of Responsibility),” sey ni PAGASA weather specialist Benison Estareja sa update kaninang umaga, August 30.
At dahil din diyan ay pwede itong maging sanhi ng mga ulan ngayong weekend.
“At possible, sa mga unang araw Setyembre, ay magdala ito ng mga pag-ulan sa ating bansa, lalo na sa Southern Luzon, Visayas and Mindanao,” dagdag ni Estareja.
Baka Bet Mo: JM nasa cloud 9 pa rin sa YES ni Donnalyn: I love you baby, palagi!
View this post on Instagram
Base sa weather bulletin ng PAGASA, Southwest Monsoon o Habagat pa rin ang may epekto sa ating panahon.
Asahan ngayong araw, August 30, ang kalat-kalat na pag-ulan sa Zambales, Bataan, Occidental Mindoro at Palawan.
Mararanasan ang panaka-nakang pag-ulan sa Metro Manila, Western Visayas, Ilocos Region, Cavite, Batangas, at Negros Occidental.
Dahil naman sa Localized Thunderstorms, uulanin ang nalalabing bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.