MJ Cayabyab nag-resign na sa 'Wil To Win', anyare?

MJ Cayabyab nag-resign na sa ‘Wil To Win’, anyare?

Therese Arceo - August 29, 2024 - 04:30 PM

MJ Cayabyab nag-resign na sa 'Wil To Win', anyare?

KINUMPIRMA ng singer-actor na si MJ Cayabyab na tuluyan na niyang nilisan ang TV show ni Willie Revillame na “Wil To Win”.

Nitong Lunes, August 21, ibinahagi niya sa kanyang X (dating Twitter) account na tuluyan na siyang namaalam sa naturang programa.

“For those who are messaging me ‘bakit wala kana sa Wil To Win as co host’ Nag Resign na po ako for some personal reason,” saad ni MJ.

Pagpapatuloy niya, “But thankyou guys for your concern. I am okay. Thankyou everyone.”

Baka Bet Mo: Contestant sa Wil To Win nganga sa P50k dahil sa Family Feud nakatutok

Wala naman nang iba pang detalye na nabanggit si MJ kung anuman ang “personal” na rason niya sa pagbibitiw bilang co-host ni Willie.

Lately ay madalas maging laman ng mga balita ang naturang show dahil sa mga paninita o panenermon ni Willie habang on air sa mga hosts at production dahil sa mga pagkakamali ng mga ito.

Pero ayon kay Willie, wala nama siyang ibang gusto kundi maging maayos lamang ang kanilang programa. Ngunit para sa mga netizens, dapat raw ay ginawa na lang nitong pribado ang panenermon dahil hindi naman makakatulong kung sa show mismo dahil mas may chance na mapahiya ang mga ito kesa matuto.

Samantala, nananatili pa rin naman sina Ana Ramsey, Cindy Miranda, Roberta Tamondong, Boobsie, at Sam Versoza bilang co-hosts ni Willie.

Matatandaang noong July 2024 lang nang ibandera ni MJ sa kanyang X account ang masayang balita patungkol sa pagiging parte ng programa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“As your new Co-host of Wil To Win! Malapit na sa Tv5. Thankyou kuya wil. Excited na magpasaya ng milyon milyong Pilipino #WilToWin” sey niya.

Naikuwento pa nga ni Willie noon sa isa sa mga episodes ng “Wil To Win” kung paano sila nagkakilala at kung paano siya kinumbinsi na mag-audition.

Lahad ni MJ, nag-doubt siya sa sarili dahil baka hindi niya ito kayanin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending