Netizens ‘gigil mode’ sa bagong show ni Willie Revillame: ‘What’s new!?’
MEGA-REACT ang netizens kay Willie Revillame dahil umandar na naman daw ang pagka-pikon nito dahil wala pang isang linggong umeere ang “Wil to Win” game show sa TV5 ay kumukuda na naman siya.
Tungkol sa inilabas na ratings game ng GMA 7 kung saan katapat nito ang programang Family Feud ni Dingdong Dantes.
Ganu’n naman talaga ang kalakaran sa telebisyon kapag may bagong programa ay naglalabas ng ratings ang tinapatan at ang tumapat para malaman ng viewers kung sino ang nanalo sa ratings.
Hindi ito nagustuhan ni Willie, “Ano ‘to? Labanan ba ’to? Hindi. Tulungan natin ang mga kababayan nating naghihirap. Basta kami ‘yun lang ang purpose namin.”
Sabi pa, “Kung may makikita kayong ipinapakita nila ang ratings nila na mataas sila, hindi po kami naaapektuhan. Kasi ang puso namin magbigay ng saya at pag-asa sa inyo.
Baka Bet Mo: Willie binuking na may mga anak na sina Coco at Julia, true kaya?
“Okay lang naman lahat ‘yan, ‘di ba ganu’n talaga, wala naman kaming ano, basta kami tuloy-tuloy lang magtrabaho dito sa TV5, aayusin namin mapasaya kayo araw-araw.”
Komento ng netizen na si Evan Glynne na dapat madaling araw na lang iere ni Willie ang show niya, “Ayaw mo pala ng labanan sana ginawa mong 2am timeslot mo. Ayun solo mo wala kang kalaban.”
Sabi pa ni Federico Ramones, “Umay kay Willie, same format same attitude ng host. Power tripping lagi, laging galit sa staff, pinapagalitan on air. Panget tignan sa TV kaya konti nalang nanonood.”
Mula kay Charlie Zulueta, “Gawin mo na lang sa ibang planeta ‘yan para wala kang katapat.”
Suhestiyon naman ni Tan Roland, “New title: Wil to Rant.”
Wala raw pagbabago kay Willie sabi ni Ruel Tividad Velandria, “Nothing change with Will with all the money he got and still got so many complains. Count your blessings and all things will be easy for yeah!”
Isa pang ikina init ng ulo ng TV host ay ang pagdaan ng floor director sa harap ng camera at may ilang hindi nasunod, knowing Willie na perfectionist pagdating sa show niya.
Opinyon ni Fatima Mendoza Larios, “Kala mo naman ang galing sa creatives, jusme. Yung mga staff mo, nag-aral din ‘yan. Makapangliit sa kapwa. Kung totoo na tatakbo ‘to, gudlak na lang kung iboboto at manalo pa. Mas matindi pa ‘to sa nagnumber 1.”
Komento ni Aljon Carizon, “Hehehe nakakastress naman manood ng Wil to Win. P’wede naman sa behind the camera nalang sya mag rant sa mga staff n’ya. Hirap maging boss ni Willie.”
Suhestiyon ni Hannah Gamis, “Then get staff with more experience and pay them really really well. Invest in trainings. Baka kasi puchu-puchu kinukuha para pwede baratin, tapos agagalit ka.”
Reaksyon tungkol sa maraming magagandang co-hosts ni Willie ayon kay Paulo Rodrigo Guirren, “Dami co-host pang display lang pala.”
Feeling naman ni Richard Felizardo Rodrigo, “Gumagawa lng yan para mapagusapan!!”
Obserbasyon ni Rebe Chico, “Sobra ka namn kase sa staff mo mataas ang tingin mo sa sarili mo ang gusto mo vowed down ang mga staff mo sayo!”
Sabi pa ni Mari Silva, “Day 2 of airing, pinapagalitan live mga staff. what’s new Willie?”
Dagdag din ni Tim Acosta, “Di nya talaga kayang hindi manita sa pribadong paraan, kailangan talaga yung live at may mapapahiya.”
Bakit hindi na lang daw gayahin ni Willie ang TVJ sabi ni Roland Manansala, “62 HB, gayahin sina TVJ, relaks lang.”
Bukas ang BANDERA sa reaksyon ng kampo ni Willie o siya mismo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.