SB19 Pablo bonggang inaming celebrity crush si Keannu Reeves

SB19 Pablo nagpakatotoo, inaming celebrity crush si Keanu Reeves

Ervin Santiago - August 28, 2024 - 12:25 AM

SB19 Pablo nagpakatotoo, inaming celebrity crush si Keannu Reeves

SB19 Pablo at Keanu Reeves

MARAMI ang naloka at na-shock nang diretsahang aminin ni SB19 Pablo kung sino ang kanyang celebrity crush sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

Natanong kasi ng King of Talk na si Tito Boy ang mga miyembro ng tinaguriang super P-pop group kung sino ang kanilang ultimate crush sa entertainment industry.

Unang ibinato ng premyadong TV host ang naturang question kay Pablo kung saan ang sagot nito ay ang Hollywood superstar na si Keanu Reeves na bumida sa mga international movie na “The Matrix” at “John Wick”.

Baka Bet Mo: Sharon may mga taong gustong ipasuntok sa mukha; inalala sina Aga at Goma

Ayon sa mga supporters ng binata, wala raw basagan ng trip kung ang Hollywood actor ang isinagot ni Pablo. Marami naman daw ibig sabihin ang salitang “crush” kaya huwag munang judgmental.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SB19_PABLO ⍟ (@paulo.nxse)


Sey naman ni SB19 Ken wala pa raw nagugustuhan sa ngayon sa mga local o foreign artists kaya pass muna siya.

Sey ni Josh, crush daw niya si Yeji ng K-pop girl group na Itzy. Ang Kapamilya actress-singer naman ang isinagot nui SB19 Stell habang si Justin naman ay ang Hollywood actress na si Saoirse Ronan.

Matatandaang nalagyan ng malisya ang friendship nina Pablo at Stell nang banggitin ng dating model-actor na si Robby Tarroza sa isang panayam na inakala niyang may relasyon ang dalawang miyembro ng SB19.

Baka Bet Mo: Sarah Reeves may bagong single tungkol sa ‘mental health’, first time nag-compose ng kanta

Pinagdudahan din ng ilang netizens ang dalawang binata dahil madalas silang maglandian sa kanilang mga video. Pero hanggang ngayon ay hindi nagbibigay ng pahayag sina Pablo at Stell hinggil dito.

Samantala, excited na si Stell sa pagsisimula ng “The Voice Kids Philippines” sa GMA 7 dahil makakasama na rin niya sa show bilang coach si Pablo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Keanu Reeves Fan Page (@keanureevesfanpage2020)


Joke ni Stell sa interview ng “24 Oras”, mas tumindi pa raw ang pagiging makulit ng mga coach dahil kay Pablo. “Parang dumagdag po ‘yung mang-aasar sa akin.

“Parang hindi po ako nakahanap ng kakampi. Nakahanap po ako ng bagong mang-aaway sa akin. Tatlo na po silang magkakampi ngayon,” birong sabi pa ng SB19 member.

Sa ngayon, habang hindi pa nagsisimula ang “The Voice Kids Philippines”, tuloy ang promi ni Stell para sa kanyang solo debut EP na “Room”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin siya sa concert series ng Warner Music Philippines na “We Play Here” school tour, na nagsimula na noong August 23, sa UP Diliman College of Science Amphitheater.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending