Resibo: Bimby ibang klase kung tumingin sa attractive girls

Bimby ibang klase kung tumingin sa attractive girls: ‘Straight siya!’

Ervin Santiago - August 26, 2024 - 07:43 AM

Bimby ibang klase kung tumingin sa attractive girls: 'Straight siya!'

Photos from Dindo Balares Facebook

MAY naging basehan ang dating entertainment editor at confidante ni Kris Aquino na si Kuya Dindo Balares para masabing hindi bading si Bimby.

Naging hot topic sa social media kamakailan ang fake news na ipinakalat ng isang content creator na inilantad na raw ni Bimby sa publiko ang kanyang boyfriend na iniyakan daw nang bonggang-bongga ni Kris.

Ginamit pa ng vlogger ang pangalan at litrato ng talent manager at online host na si Ogie Diaz na umano’y siyang source ng pekeng balita.

Baka Bet Mo: Kris sa resulta ng huling check-up: There’s a problem with my heart…

Sa isang mahabang Facebook post ni Kuya Dindo, muli niyang ipinagdiinan na hindi beki ang bunsong anak ni Kris. Narito ang buong status ng malapit na kaibigan ng Queen of All Media about Bimby.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


“BIMB’S NATURAL FLAIR.

“Lumaki si Bimby na palagi kong nakikita tuwing dumadalaw ako kay Kris Aquino — sa bahay nila, sa ABS-CBN, sa press conferences, maging sa mga negosyo nila, at sa family affairs.

“Paper airplanes ang unang laruan na nakita kong pinagkakaabalahan niya. Maliit pa siya noon, nasa 3 to 4 years old, sa studio ng Showbiz News Ngayon nina Kris at Boy Abunda.

“Marami siyang ibang toys, nakita kong iniwan sa dressing room, pero mas gusto o paborito niya ang paper airplanes. Highly efficient na panglibang at pang-agaw ng atensiyon habang busy sa live telecast ang kanyang Mama Kris. Mas mainam na rin, kasi walang ingay sa studio kaysa robots at miniature cars.

“Si Yaya Gerbel ang tagagawa, at paliliparin ni Bimb na frustrated ‘pag bumabagsak din agad. Lumapit sa akin para ipaayos.

Baka Bet Mo: Diego shookt sa gastos para sa 1st birthday ng anak: Higit pa sa debut!

“Nang mag-glide at lumipad papunta sa malayo (muntik makarating sa set nina Krisy at Boy!), nanlaki ang mga matang tumingin sa akin, tumawa, at bumalik-balik na sa akin para magpagawa ng marami.

“Nasabi ko sa sarili ko, magiging barkada kami ng batang ito.

“Nagkatotoo, simula noong wala pang malay hanggang ngayong binatilyo na. Minsan, nagkakaroon kami ng bonding kahit wala ang kanyang Mama Kris, tulad noong nasa ibang bansa ito kaya ipinagbilin na samahan sila ni Kuya Josh sa awarding rites para tanggapin ang Lifetime Achievement Award na iginawad ng Philippine Movie Press Club.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)


“Alam ko kung paano tumingin ang lalaki sa attractive girls. Nakikita ko ito kay Bimb. Kaya malakas ang loob kong sabihin na straight siya.

“Nang umuwi siya galing US last July, agad kumontak, gustong makipagkita. With Wifey, pinuntahan namin sila ni Kuya Josh sa bahay ng mga Aquino sa Times Street.

“Nakakatuwang pagmasdan ang magaan na samahan ng magkapatid, kung paano asikasuhin ni Bimb ang kuya niya. Natutupad ni Kris ang kanyang gustong mangyari, maging guardian si Bimb ni Kuya Josh.

“May flair si Bimb sa pakikitungo sa kapwa. Sincere, natural, at elegante ang pakikipagkaibigan niya. Nasubaybayan naman sa social media ang happy posts ng iba’t ibang tao na dinalaw nila ni Kuya nang umuwi siya.

“Ang pabirong bati agad niya sa amin ni Wifey, ‘Baka gusto ninyong makita ang abs ko!’ sabay malakas na tawa. Nagbubuhat na pala siya, kaya bato-bato na ang katawan ngayon.

“Kung paano mag-estima at mangumusta si Kris, ganoon din si Bimb. Very warm at intelihenteng makipag-usap. Genuine na gustong malaman kung ano ang updates sa pagbabalik ko sa agriculture.

“Alam ni Bimby ang activities ko sa labas ng entertainment industry. Nakikita niya ang mga ipinapadala kong pictures na kuha sa pagtatanim. Nababasa niya ang mga palitan namin ng messages ni Krisy.

“Kung minsan, nakikisagot at nakikitawa sa funny exchanges.

“Ngayong binatilyo na, target shooting ang isa sa kanyang sports. Alam nating lahat, hilig na namana niya sa kanyang Tito Noy (PNoy).

“Palagay ko lang, may namana rin pati sa aesthetic sense.

“Itinanong niya sa akin ang isang newcomer sa showbiz kung nakita ko na raw at kung maganda in person. Oo, napakaganda, matalino rin, at bubbly.

“Pero huwag ninyo akong pilitin na i-reveal at baka masabi ko.

“Remember, Mama Kris na mismo ni Bimb ang nagsabi, na, ‘Kung minsan daldal ka rin, Kuya Dindo.'”

In fairness, mukhang totoo at may point naman si Kuya Dindo sa pagkakakilala niya kay Bimby. At nakita rin namin yan sa ilang pagkakataong nakakabisita kami sa bahay nila sa paanyaya na rin ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Medyo malambot lang kumilos si Bimb pero we also believe na straight ang binata at very soon ay ipakikilala rin niya sa buong mundo ang kanyang first girlfriend.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending