NBI sa CCTV footage ni Sandro: ‘May traumatic event na nangyari’

NBI ibinandera ang CCTV footage ni Sandro: ‘May traumatic event na nangyari’

Pauline del Rosario - August 23, 2024 - 10:50 AM

NBI ibinandera ang CCTV footage ni Sandro: ‘May traumatic event na nangyari’

PHOTO: Instagram/@sandromuhlach

Trigger Warning: Mentions of rape, sexual abuse and harassment.

NILABAS na ng National Bureau of Investigations (NBI) ang mga kuha ng CCTV footage kaugnay sa kasong sexual abuse at harassment ni Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng Kapuso Network.

Unang ibinandera sa “24 Oras” ang timeline ng mga nangyari noong July 21 kung saan makikitang lumabas si Sandro sa kwarto ng kanyang hotel ng bandang 4:39 a.m.

Nakarating siya sa kwarto ng mga akusadong sina Jojo Nones at Richard Cruz sa kabilang hotel ng 4:48 a.m.

Pagdating ng 6:46 a.m. ay lumabas na si Sandro mula sa mga kwarto ng dalawang contractors.

Baka Bet Mo: CCTV footage ng mga nakakalokang eksena ni Awra at ng lalaking nagreklamo sa kanya sa bar kalat na sa socmed

6:53 a.m. naman nang makarating na ang aktor sa tinutuluyan niyang hotel.

Ayon sa report, sinabi ng NBI na kapansin-pansin sa CCTV ang pagbabago sa kilos ni Sandro.

“Noong papunta siya doon sa hotel na naka-check in ang dalawang subjects, normal at relaxed ang movement ni Sandro,” sey ng agent-on-case ng ahensya nang ma-interview ng GMA News.

Paliwanag pa, “Pero after noong nangyari ‘yung insidente ng pangmomolestya, makikitang nagbago ‘yung kanyang kilos. Siya ay mabilis nang maglakad, balisa at parang distressed at very anxious. Bigla nalang siyang umupo sa tabi ng wall fronting the elevator kung saan inaantay niya ‘yung mga kaibigan niya sa sumundo sa kanya.”

Patuloy pa, “This is very consistent sa findings of the bureau na mayroong traumatic event na nangyari doon sa hotel kung saan naka-check in ‘yung dalawang subject na nirereklamo ni Sandro.”

Kung matatandaan, noong August 8 nang mabalitang ibinigay ng ilang hotels sa NBI ang mga CCTV na hagip si Sandro bago at pagkatapos mangyari ang umano’y sexual abuse.

Kamakailan lang, idinetalye ng aktor sa Senate hearing na pinangungunahan ni Sen. Robin Padilla at Sen. Jinggoy Estrada ang mga nangyari sa kanya.

Ibinunyag ni Sandro na nakaramdam siya ng pamamanhid sa katawan nang painumin siya ng wine at pasinghutin ng kung ano nina Jojo at Richard.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang dalawa ay inireklamo na ni Sandro ng rape through sexual assault at acts of lasciviousness sa Department of Justice (DOJ).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending